Sun Life Foundation X The Spark Project for a Brighter World Builder Challenge
Sabi nga nila bawat tao o grupo ay may kanya-kanyang mga adhikain sa lipunan upang mas lalong umangat ang ating bansa, ang bawat adhikain na iyon ay maganda lalo na kung may sumusuporta mula sa pribadong kumpanya, gobyerno at ang mga bawat indibidwal.
Hindi ko nga akalain na ang Sun Life ay meron isang foundation na dati’y akala ko ay isa lang silang kumpanya na nangangalaga sa aming mga salapi at Life Insurance meron din pala silang foundation.
Nakakatuwa din malaman na ang katuwang nila sa isang programang ito ay ang Spark Project, kung saan ang organization na nagsusulong ng social awareness ay hindi lamang sa isang maliit na enterprises kundi maging sa malaki enterprises din.
Kaya naman laking tuwa ko na nalaman ko na magkakaroon sila ng isang kolaborasyon kung saan tutulungan ng Sun Life Foundation ang mga napiling grupo para sa kanilang mga adbokasiya na hindi lamang sa panig ng Metro Manila maging sa iba't-ibang daku ng Pilipinas, ibig lamang ipahiwatig nito na malaking tulong talaga ang ibibigay ng Sun Life Foundation.
Kaya naman bilang ikasampun taon na anibersaryo ng Sun Life Foundation ilulunsad nila ang isang programa na may pamagat na Brighter World Builder na kung saan magkakaroon ng Social Impact Bootcamp ang mga mapipiling entry.
Mula sa 49 na nagsumite ng naturang proyekto, ay naging 20 na lamang ito. Sa dalawampu (20) na organisasyon ay tuturuan nila ng ilang mga pointers kung paano tamang pagpitch ng isang programa syempre sa pakikipagtulungan ito ng Spark Project.
Ang mapipiling sampung (10) winners ay garantisado na makakatanggap ng Php 100,000 kung saan gagamitin nila ito upang ituloy and isinumiting project at sa pakikipagtulungan ng Spark Project..
Narito ang nangungunang Sampu (10) na napili ng Sun Life Foundation at ng The Spark Project:
1) Bin Stalk - A program designed by Domyson Dulay Abuan for the community of Malaban that combines learnings on financial literacy and waste management.
2) Budget Squad Manila - A social enterprise focused on teaching good money management skills and financial literacy through creatively designed personal finance tools.
3) EmpoWomen PH - A non-profit organization that aims to help displaced women and families in Marawi City through sustainable sources of income;
4) FLOW Inc. - Stands for Financial and Life Opportunities for Women and focuses on giving practical education in finance for marginalized and average social class women
5) Kids Who Save (KHuSA) Game-based learning designed to simplify the concept of financial literacy for young kids.
6) Young Savers: Experiential Learning to Financial Literacy At the Mano Amiga Academy, children from the lower end of the socio economic ladder are taught the value of financial responsibility through project-based learning.
7) Change for a Life -= A campaign created to help lower income families manage their finances to fit their expenses and save money.
8) Children of Sugar Cane Farmers in Bacolod - A program designed to teach children of sugar cane farmers about the opportunities open to them to uplift their family’s lives.
9) COlNscious JUAN - A savings app created to promote the importance of being conscious of one’s spending habits.
10) Pitaka ko’ - A Learning & Savings Journal for Kids An interactive and creative learning and savings journal for kids ages eight to 15 designed by Roxanne Navarro.
Interesting ang mga top 10 hindi ba? Isa sa mga gusto ko sa top 10 na ito ay ang COlNscious JUAN kung saan isang app siya na makikita mo ung target money mo kung paano mo gagastusin ng tama kung baka sa sport run app makikita mo doon kung dapat ka nga ba maggastos pa ng sobra o galingan mo iiba ang lifestyle ng paggastos mo.
Isa din sa mga nagustuhan ko ay ang Kids Who Save (KHuSA) kasi board game sya, sino nga ba naman ang hindi matutuwa doon. Kung ang matatanda meron Rich Dad Poor Dad Cashflow ang mga bata naman merong KHuSA na kung saan gagabayan sila nito kung paano nga ba imanage ang pera na meron sila. Tama nga naman ito sapagkat habang bata pa lamang ay alam na nila kung paano humawak ng pera lalo na sa panahon ngaun na ang bilis-bilis ng takbo.
Comments
Post a Comment