Mangan Ta Na : Hakata Ikkousha Ramen - Manila
Sabi nila ang isang masarap na restaurant ay laging puno at laging binabalik balikan ng kanilang mga parokyano. Ako bilang isang mahilig talaga kumain at tumikim ng iba't-ibang mga putahe ay nacuriuos ako kung anu nga ba meron sa lugar na iyon at laging blockbuster.
Kaya naman bilang tiga south na rin lamang ako ay bakit hindi ko nga ba subukan ang restaurant na iyon, ang restaurant na aking tinutukoy kundi ang Hakata Ikkousha Ramen - Manila na makikita sa Festival Mall Extension area.
Open kitchen of Hakata Kikousha Ramen - Manila |
Alam ninyo ba na hindi ito ang unang branch ng Hakata Ikkousha Ramen - Manila sapagkat meron ng branch ito sa Cebu kung saan patok na patok din ito doon kaya naman alam mo na kung bakit naging patok dito ito sa Manila.
Bilang isang mahilig din sa ramen ay natakam agad ako sa aroma nito sa loob kaya naman nagsimula na rin akong umorder ng mga ramen na gusto ko at syempre may kasama na din na Cha-Shudon para naman hindi naman mabigla ang sikmura ko sa mainit na sabay ng ramen samahan mo pa ng isang Gyoza na talaga naman swak na swak na kombinasyon nito.
Gyoza P120 for 5 amd Gyoza P200 for 10
Special Fried Chicken Karaage P150 for 3
Tara samahan ninyo akong namnamin ang ilan sa mga masasarap na ramen nila at bigyan ng kaunting verdict nito.
Special Tonkotso P450 - Ito kaagad ang inorder ko sa kadahilan na special sya at natakam ako sa picture nila at hindi ko akalain na kung anu yung nasa picture yun din ang makikita ako. Aminin natin na ilan sa mga restaurant ay may fail advertising sa mga pictures nila yung tipong akala mo malaki ang serving yun pala ang kaunti. Dito sa Hakata Ikkousha Ramen - Manila totoo sila sa kanilang advertising kaya naman sobrang tuwa ako para dito at isa pa ang tender ng pork nila, masarap sa bibig at di lamang yun ung noodles tamang tama ang lamang ito at ang sabaw talaga naman iserve nila sa iyo ito ng mainit.
Special God Fire P470 - Ito yung tipong ramen na pagpapawisan ka ng husto perfect itong kumbinasyon na isang masarap na beer na kung saan nagbebenta din sila nito at ang God Fire ay meron din level ng spicy mula Level 1 hanggang 4 magandang challenge din ito lalo na kung kasama mo ang iyong mga barkada na mahilig talaga sa mahanghang.
Special Black Tonkotso P470 - Ito swak ito sa mga medyo mahilig sa garlic flavor kasi medyo matapang ang lasa ng garlic nito at hindi lamang yun dahil ang black tonkotso ay meron kakaibang sarap ng aroma ng broth na talaga naman magpapatakam sa iyo ng husto
Black Fire P380 - Ito naman ang kombinasyon ng dalawa ramen na swak ito kung mahilig ka sa garlic flavor at spicy at ang menu na ito ay limited lamang kaya naman kung gusto mo itong subukan go kasi iba ung lasang binibigay nito sa dila mo lalo na ung after taste nito yung tipong akala mo spicy lang yun pala may sipa ng kaunting garlic.
Natakam ka na ba dahil sa mga post ko? Anu pa ba ang hinihintay mo punta na sa Hakata Ikkousha Ramen - Manila para matikman ang kanilang masasarap na ramen. Matatagpuan ang Hakata Kikousha Ramen - Manila sa Festival Supermall Extension Area second floor.
Comments
Post a Comment