Mangan Ta Na : Inihaw King at Daang Hari


Sabi nga nila kung TigaSouth ka malamang alam mo na ang isa sa pinakamabilis na way para makapunta ka sa Laguna, Cavite o Las Pinas na galing sa isang main road o mas tamang sabihin ay para umiwas sa trapik ay ang pagdaan sa Daang Hari.


Isa ang Daang Hari na masasabi ko kung mahusay at progresibo sa panahon ngaun dahil madami-dami na rin ang nagagawang bahay sa lugar na ito. Dahil sa progresibo na rin ito madami nagsusulputan na masasarap na kainin sa lugar.

Isa na dito ang Ihinaw King na matatagpuan lamang mismo sa Daang Hari ilang metro lang ang layo mula sa kilalang mall sa lugar (Vista Mall). Kaya naman hindi na ako magtataka pa kung papatok ang Inihaw King dahil sa pwesto pa lamang nila ay sigurado na akong swak ito.


Ang pagkain at ambiance kaya ng Inihaw King ay pasado sa madla? Kung ako mismo ang tatanungin pasado sa akin sapagkat para ka na rin kumain sa bahay probinsya.

Kaya samahan mo aking tikman at namnamin ang ilan sa mga masasarap na putahe na meron ang Inihaw King.

Noong unang naisip ko sa lugar na ito akala ko parang Mang Inasal na sinamahan ng Chickboy Restaurante pero mali pala ako ka ung ambaince ng Inihaw King ay para kang nasa bahay probinsya yung tipong pinaghanda ka ng masarap ng lola mo kasi ikaw yung paborito nya.


Isa sa mga naging best seller sa akin sa Inihaw King ay ang Daing na Bangus dahil ang swabe at malinamnam ang lasa nito samahan mo pa ng walang titik yun naman talaga ang hinahanap natin sa isang Daing na bangus, hindi ba?


Isa din sa pumatok na lasa sa akinn na pagkain ng Inihaw King ay ang Inihaw Na Liempo na taaga naenjoy ko na husto, kakaiba ung lasa nila siguro dahil masarap at matagal namarinate ng husto ng liempo kaya naging ganun yung lasa nito.


Syempre dahil nasa bandang Kabite na rin lang tayo isa sa mga masarap na kainin o luto dito ay ang bulalao na talaga naman swak ang lasa at mainit na mainit pa na ibibigay sa ito. Samahan mo pa ng isang sawsawan na kalamansi at sili. Sigurado mapaparami ka ng kanin ng wala sa oras.


Hindi kumpleto ang isang kainan kung walang panghimagas, dalawa ang natikman ko na dessert nila na yun pa lang panalo ka na lalo na ung leche plan na hindi nakakaumay ang tamis at alam mo na walang akina na nilagay dahil sa tamang tasa nito sa bibig mo.

Narito ang complete menu at price ng Inihaw King. Kita naman sa menu na ito na swak sa budget mo ito lalo na kung kasama mo ang barkada o pamilya mo.



Maliban pa dito meron silang counter of take-out lang kung baga kung ayaw mo kumain at gusto mo na sa bahay na lang kainin ito pwede pwede.

Makikita ang Inihaw King sa Daang Hari, Molino IV, Bacoor Cavite (Along the road between Evia and Vista Mall).

Bukas sila mula 11 ng umaga hanggang 10 ng gabi.

So anu pa hinihintay mo! Subukan mo na ang masarap na mura pa ang pagkain yung tipong feel at home ka lang sa kanila.

Comments

Popular Posts