Lance Raymundo muling gaganap na Kristo sa darating na Mahal na Araw


Isa si Lance Raymundo na masasabi ko mahusay na actor sa telebisyon at pelikula yun na lamang ay hindi siya nabibigyan ng tamang break pero maliban pa dito ay isa rin siyang mahusay na mang-aawit ng kanyang henerasyon. Sino nga ba ang  Panaginip o hindi naman kaya ng Di mo ba alam.


Pero ang hindi alam ng karamihan si Lance Raymundo ay sumasabak din ng aktingin sa teatro at isa sa mga markadong karakter na ginagampanan niya ay ang pagiging Kristo. Sa taong ito pangatlong beses na siyang magiging Kristo pero yun na lamang ay magkakaroon siya ng alternate dahil naging busy na rin sya sa kanyang karera sa telebisyon kung saan kasama sya sa longest running primetime ngaun ng Kapamilya Network na Ang Probinsyano kung saan ginagampanan nya ang karakter na apo na si Don Emilio.

Nitong nakaraang araw ay naimbitahan ang inyong lingkod upang malaman ang iba pang impormasyon patungkol sa dula na gagawin ni Lance.

Ayun mismo kay Lance, isa sa mga nahirapan talaga siya na eksena ay yung sermon sapagkat ito yung eksena na dapat madama ng mga bawat manonood at dapat tapos sa puso. At kailangan ipaintindi sa tao ang kahalagahan nito.

Dagdag pa ni Lance, hindi lamang isang aktor dito parang makiramdam din nya ay preacher din sya dahil naisasabuhay niya kung anu pa ang nangyari kay Kristo lalo na sa panahon ngaun na madalas sa gadget na lamang nanood ang mga kabataan.

Narito ang full video coverage na naganap na conference.


Kaya naman sa darating na March 24 sumugod na sa Greenfield Sta, Rosa at sa March 25 Greenfields Mandaluyong upang masaksihan ang mahusay na pag-arte ng nag-iisang Lance Raymundo.

Ang Martir sa Golgota’ay mula sa direksyon na mahusay na teatro aktor at direktor na si Lou Velasco.

Comments

Popular Posts