Sabi nga nila lahat naman tayo may aking galing sa mundo ng sining at lahat tayo pwedeng maging isang pintor kung alam lang nating kung paano natin ito gagamitin. Ako bilang isang mahilig talaga sa sining ay natutuwa ako pag may nakikita ako mga obra ng sobrang ganda lalo na kung malalaman mo ung detalye kung paano siya na buo.
Dahil nga gusto ko pang lumawak lalo ang aking kaalaman sa sining ay pumunta ako sa isa sa masasabi kung best place to go to explore the arts of paints, saan pa ba kundi sa isang lugar kung saan lahat tao pwede maging painting at maliban pa dito at makakapagrelaks ka pa ng husto at kakalma pa ang iyong isip. Oo na ito na nga ang Sip and Gogh na matatagpuan sa Century City Mall sa lungsod ng Makati.
Pagpasok mo pa lamang sa Sip and Gogh Century City Mall ay makikita mo na ang ilan sa mga obrang likha ni Van Gogh at kilala naman natin si Van Gogh hindi ba? Siya lang naman ang lumikha ng iilang obra na sikat na sikat ngaun katulad ng The Sower with Setting Sun at ng The Starry Night.
Kaya naman talagang maeenganyo ka na maging katulad ka rin ni Van Gogh hindi ba? Pero hindi mo magagawa ang isang painting ng ganun ganun na lamang sapagkat alam naman natin na mahirap itong gawin pero dahil nga nasa Sip and Gogh tayo ay may pagtuturo sa atin kung paano ito gawin kahit sa ilang mga basic obra lamang.
|
Artist of the day Maestro Noel |
Nagkataon ng oras na pumunta kami sa Sip and Gogh ay andun na artist of the day ay si Maestro Noel. Nakatuwa lang kasi sobrang bait niya at nagbibigay sya ng mga tips kung paano mo gagawin ang artwork of the day at maliban pala dito pwede ka makiseat in sa season sa araw na ito o pwede rin ito sa mga corporate team building kasi maliban sa matuto ka pa at mabibigyan mo ng halaga ang isang obrang ikaw mismo ang may likha.
Narito ang ilan sa mga masasayang kaganapan sa Sip and Gogh.
|
Arts is for all |
|
Me and Milton serious session |
Isa din sa gusto ko dito sa Sip and Gogh ay pag pumunta ka dito andun na ang mga gamit na kailangan mo katulad na lamang ng Canvas, paints, brushes, palette, easel, at apron. Kung baga ikaw na lang ang kulang para mabuo mo ang isang obra na gusto mo.
|
Happy people after creating the wonderful painting entitled Alley By The Lake” of Leonid Afremov, a world reknown artist. |
Kaya kung ako sa iyo subukan mo na rin pumunta sa Sip and Gogh malay mo maging isang mahusay ka na pintor pagdating ng araw, di rin natin masabi ito kasi dito sa Sip and Gogh mailalabas mo kung anung galing mo sa paglikha ng mga obra. Walang masamang sumubok lalo na kung alam mo naman ang magiging resulta nito.
Kaya punta na sa opisyal nilang website SipAndGogh.com para makasama sa masayng session at pumili ng branch na malapit sa iyoat tingin kung anung session ang maganda at may pagkakataon ka din pumuli kung anung obrang ang iyong gagawin.
Comments
Post a Comment