Bakit gustong-gusto ng kabataan na matuto ng wikang Koreano?
Bilang isang Pilipino dapat ay mas lalo mong ipagyabong ang kultura na meron ka hindi ba? Kung may mga hindi ka alam maari ka naman sumanguni sa iyong guro o maari magtanung sa taong karapat-dapat.
Noong nabasa ko ang isang status na ginawa ni Maestro Genaro Cruz, isang guro, manunulat at makata hindi ko maiwasan na malungkot at bawat opinyon nya ay totoo naman.
Narito ang ginawang sagot ni Maestro Genaro Cruz sa tanung na "Bakit po gustong-gusto ng kabataan na matuto ng wikang Koreano?"
"Kasi nakikita nila ang kapakinabangan sa wikang ito. Imagine, kung matututo silang mag-Koreano, maiintidihan na nila ang mahuhusay/magagandang Korea Novela sa orihinal na wika nito. Di na kailangan pang i-dub sa wikang Filipino ang mga ito. Maiintindihan na nila ang KPOP na isang malaking industriya ngayon at natatalo ang ating OPM. At higit pa sa mga ito, malaking oportunidad na makapagtrabaho sa Korea kung marunong silang mag-Koreano. Pati nga ang mismong sistema ng pagsulat ng mga Koreano, gusto na rin nilang matutuhan. May "kilig" para sa kanila ang wikang Koreano. Ngayon, hanggat di nila nakikita ang kapakinabangan sa wikang Filipino, pag-aaralan lang nila ito bilang isang subject na kailangang ipasa sa paaralan (actually kahit nga sila bagsak sa Filipino makaka-graduate sila). Ganoon lang kababaw. Sa anong wika ka ba nagsusulat ng iyong application letter? Saan nakasulat ang iyong CV? Sa mga interbiyu, sa anong wika ka tinatanong at sumagot? Sa wikang Ingles lahat di ba? Di ka matatanggap kung sa wikang Filipino ka nagsasalita o sumasagot. Mapagkakamalan ka pang mahina ang ulo o kaya ay isang aktibista. Ito ang tingin ko. Hindi natin pinag-aaralan ang wika lalo na't wala itong gamit sa ating buhay at lalo na sa kabuhayan. Aminin natin, wala na talagang hikayat ang wikang Filipino sa ating kabataan. Sana mali ako sa palagay na ito."
Ikaw sa iyong tingin bakit nga ba mas gustong pag-aralan ng husto kabataan ang wikang Koreano kumpara sa wiking Pilipino?
Rason kung bakit wikang Koreano ang gusto nila ay dahil masyadong maraming tao na may gusto sa Korea at gusto nila sumunod kung anong sikat ngayon.
ReplyDelete