From Grit to Great a lesson from Apprentice Asia Jonathan Yabut
Masasabi ko na totoo naman ang mga bagay na ito sapagkat hindi naman lahat ng mga impormasyon na naukuha mo sa iyong pinagmulan na paaralan ay lahat yun magagamit mo sa pang-araw-araw na buhay. Kasi para sa akin ang totoong pagsusulit o leksyon ay makukuha mo sa mga pinagdaan mo na sa buhay o hindi naman kaya sa mga bagay na dinaan mo na pala pero inuulit mo pa rin ang mga bagay na iyon.
Nakakatuwa o overwhelm din ako namakita si Jonathan Yabut ng personal sapagkat naging fan ako ng Apprentice both USA at Australia at syempre bilang isang yuppers o young enterprenuer kaya para sa akin doon ko makakalaman kung paano nga ba talaga ang isang buhay Apprentice nya at kung anu nga ba ang mga pinagdaan niya para lamang makamit niya ang grand prize bilang Apprentice.
Syempre nagkwento sya ng mga bagay-bagay kung paano siya nagsimula bilang isang hindi naman gaano mahirap o mayaman sabihin na nating average family pero bilang isang tao syempre marami syang pangarap sa buhay. Mga pangarap na dapat nyang gawin.
Isa sa mga gustong-gusto kung topic na binigay nya sa amin ang ang Deadline Goals. Oo nga naman tama sya kung pangarap lamang ang pag-uusapan sobrang dali at madami kang mapapangarap pero ang tanung doon kung paano mo sya kukunin at kailangan ang deadline na yun.
Iyon mismo ang dapat mong gawin at pag-aralin ng mabuti sapagkat bilang millennial gusto mabilis walang pagod na makukuha ang mga bagay-bagay oo kaya naman gawin ang mga ganun pero syempre mas masarap hindi ba na makuha mo ang pangarap mo kasi pinaghirapan mo ito at gumawa ka ng mga hakbang na talaga naman alam mo sa sarili mo na ito nagawa ko. Syempre hindi mo namana gagawa ang mga ganun bagay kung walang tulong ng iba, isa din yan sa mga topic na binigay ni Jonathan Yabut. Huwag kang maging madamot sa mga bagay-bagay ika nga nila ang isang mabuting pinuno ay hindi yung nagbibigay lamang ng mga utos para gawin ng mga tauhan nya ang mga gusto nito kungdi tutulungan nya ang mga tauhan nito sa mga gawain at mas papalawakin ang mga kakayanan nito. Hindi lamang yun dahil nakikita ng isang magaling na pinuno na balang araw makiking leader din ito.
Ikatlo dapat marunong o alam mo kung anu ang work hard sa work smart. Palagay ko madalas naman itong sinasabi ng ating mga magulang o hindi naman kaya ay nababasa sa mga aklat, hindi ba? Kung hindi mo alam kung anu ang ibigsabihin ng Work Hard sa Work Smart, simple lamang naman ito alamin mo kung paano gamitin ang leverage. Ang leverage ay kung saan kaya mong gawin ang 6 oras na trabaho ng mabilis at hindi nakakalamang sa iba. Kumbaga kung hindi mo kaya ang iang bagay huwag mong pilitin para mas lalo hindi maganda ang dating. Mas mainam na humingi ka ng tulong sa kaofficemate mo o sa iba. Kumbaga sa mundo ng photography ito ay tinatawag na Xdeal.
Kung saan ang isang photographer ay naghahanap ng isang modelo na hindi kailangan magbayad ng mahal at ang modelo naman ay naghahanap ng photographer na hindi rin masyadong mahal. Sa madaling sabi isang collaboration.
Isa rin sa mga sinabi ni Jonathan Yabut ay ang milestone sobrang importante nito kahit kanino kasi dito mo makikita ang importansya ng mga tagumpay mo sa buhay. Dito mo rin marerealize na uu nga no nagawa ko ang bagay na iyon, kaya ko pala.
At syempre ang important sa lahat dapat ung mga ginawa mo sa buhay hindi lamang para sa iyo o sa pamilya mo kundi sa bansa mo lalo na kung gusto mong pasukin ang mundo ng negosyo. Oo mahirap ang buhay sa Pilipinas pero sabi nga nila kung aalamin mo lang ang bawat bagay at magbibigay ka ng mga importansya o titignan mo sa positibong paaran siguro magiging matagumpay ka.
Ika nga alamin mo ang purpose mo kung bakit kailangan mo gawin ang isang bagay na hindi naman bira lang ng bira.
Narito ang ilan sa mga talk back ni Jonathan Yabut.
Comments
Post a Comment