Noel Comia Jr and Mary Louise Alcantara nail the show in Noli Me Tangere : The Opera
Isa ang Noli Me Tangere sa hindi matatawarang kwento na gawa ni Jose Rizal nasabi ko na rin ito noong naisulat ko ang patungkol sa bagay na ito. Ngunit gaya nga ng nasabi ko madami na rin akong bersyon na napanood ng Noli Me Tangere sa entablado mula sa bersyon ng mga paaralan hanggang sa propesyonal na gawa nito. Hindi ako nag-eexpect ng anu pa man sa bersyon ng The Opera sapagkat nasisigurado na hindi ito pangkaraniwang dula lamang sapagkat base na rin sa akin nabasa hindi mo basta-basta ibabase ang nakita mo lamang ibabase mo ang panonood ng ng Opera sa pamamagitan ng damdamin at ng himig ng kumakanta nito.
Isang malaking pasabog para sa akin ang bersyon ng Noli Me Tangere : The Opera sapagkat para kang dinadala nito noong panahon kung saan naganap ang kwento dahil sa ganda ng produksyon design nito mula sa isang simpleng bukirin hanggang sa magarbo nitong kainan o maging sa isang lawa o sa isang kakahuyan. Masasabi ko mahusay at detalyado ang mga pagkakagawa nito at kung biswal lamang naman ang pag-uusapan tiyak na may laban ito sa banyagang gawa.
Marahil hindi ko na sasabihin pa kung anu nga ba ang kwento ng Noli Me Tangere sapagkat napag-aralan naman natin ito mula elementarya hanggang sa kolehiyo hindi ba? Mas bibigyan ko na lamang siguro ng pansin ang dalawa sa tauhan na nagbigay sa akin ng kakaibang karanasan sa Noli Me Tangere : The Opera.
Noel Comia Jr as Basilio |
Isa rin na nagpabuhay ng dugo ko sa Noli Me Tangere : The Opera ay ang mahusay na pagganap na Sisa ni Mary Louise Alcantara. Sapagkat hindi ko akalain na pwede pa lang magkaroon moment si Sisa sa Noli Me Tangere marahil siguro mas natuon ang pansin ko sa kwento ni Maria Clara at Ibarra.
Mary Louise Alcantara as Sisa |
Kung tatanungin mo ako kung dapat ba syang panoorin o para ba sya sa lahat oo sapagkat ang Noli Me Tangere sasabihing kung malaking OO sapagkat hindi lamang kwento noong panahon ng mga Kastila kundi kwento nating mga Pilipino. Isang kwento hanggang sa ngaun ay dinadala pa rin natin at hindi natatapos ang kwento na ito hanggang sa ngaun.
Mapapanood ang Noli Me Tangere : The Opera sa Sentrong Pangkultura ng Pilipinas (Cultural Center of the Philippines) simula Enero 28 hanggang Pebrero 3, 2017.
Para sa iba pang mga impormasyon maari lamang tumawag sa J&S Productions Inc. (0926) 038 0548, (0921) 890 3816, (632) 998 2356, or the CCP Box Office (632) 832 3704/06, or visit https://www.ticketworld.com.ph/
Comments
Post a Comment