How Millenials Can Make Their Passion Profitable
Pero hindi ba nila naisip na ang bawat passion na ginagawa mo sa buhay ay hindi basta-basta na lamang na passion sapagkat may kalakip ito ka kapalit na pero, Oo pera sa papaanong paraan ito, simple lamang naman halimbawa sa isang hobbyist photographer passion talaga niya ang kumuha ng mga litrato sa iba't-ibang lugar ika nga nila travel photography ang dating ung tipong pang NatGeo ang datingan ng mga tirada niya sa pagkuha at sasabihan lamang nya sa iyo na passion lamang ang kanyang ginagawa. Ngunit kung titignan mo itong mabuti hindi lamang ito basta-basta passion dahil sa bawat paglalakbay niya sa iba't-ibang mga sulok ng Pinas o ng mundo ay gumagastos siya hindi lamang pamasahe kasama na doon ang pagkain, mga gamit sa photography at kung anu-anu pa para lamang may makuha siyang magandang larawan na ipagmamalaki niya sa mundo, hindi ba?
Kaya naman noong naimbitahan ako upang dumalo sa isang financial workshop ay umoo kaagad ako sapagkat alam ko sa sarili ko na madami akong matutunan sa workshop na iyon lalo't pa na usapang pera ito.
Isa sa mga naging speakers ng financial workshop na iyon ay si Ms. Arriane Serafico isang blogger, enterprenuer at teacher. Unang salita pa lamang niya ay ramdam mo na magaling sya sa buhay at alam nya kung anu ang gusto niyang marating at tama nga ako ng sapagkat naipamalas niya sa amin ang mga impormasyon na aming kailangan lalo na sa aming passion sa pagsusulat.
Isa sa mga tumatak na salita nya sa akin ay ang "make you passion profitable" sapagkat alam naman natin na hindi biro lamang ang passion ko sa pagsusulat at sa photography maraming oras at pera din ang nawawala sa bawat minuto na ginawa natin ang gusto nating passion. Kaya naman dapat kung gusto mo magtuloy-tuloy ang passion na yan dapat may set na goal ka sa buhay mo. Mula sa isang goal kaya buwan,taon at sa lilipas pa na taon. Sapagkat ang passion na yan ang magdadala sa iyo sa gusto mong marating sa buhay. Isang passion na magbibigay sa iyo ng saya.
Ang bawat tao ay may kanya-kanyang gusto sa buhay pero bilang isang millennials hindi natin naiisip ang mga ganun bagay sapagkat ang gusto natin ung makuha kaagad-agad na parang wala lang ngunit kung bibigyan mo ng pansin ang lahat ng bagay at mayroon kang goal sa buhay malamang sa malamang makukuha mo ang nais mo o ang pangarap mo na meron ka.
Narito ang ilan sa mga slideshow na ipinakita ni Ms. Arriane Serafico sa amin patungkol kung paano nga ba mas maging profitable ang aming passion
At ang kanyang naging last word sa pagtatapos ng kanyang talks ay "make your passion sustainable" kung saan isa ako sa mga umangayon dito. Kung tutuusin kaya naman nating gawin ang mga ganung mga bagay siguro marahil nakukulangan lang tayo ng pansin sa ginawa natin kaya naman andoon ang Sun Life Phillipines upang gabayan tayo at bigyan ng mga impormasyon kung paano nga ba nating mas magiging sustainable ang passipn natin.
Comments
Post a Comment