Nivea Slidefest Philippines Experience


Sabi nga nila masarap maging bata lalo't pa walang kang proproblemahin na kung anu-anung mga bagay, ang magiging problema mo lang ang kung paano kayo magbabati ng nakaalitan mo sa mga laro. Pero sabi din nila pwede ka naman ulit maging bata lalo na kung ang lugar na pupuntahan mo ang puno ng saya at ang pakiramdam mo sa lugar ay talaga naman nakakabata.

Noong nakaraang sabado lamang ayn pumunta ako sa isang masayang event sa Filinvest, Alabang kung saan makikita mo ang iba't-ibang klase ng tao na puno ng saya sa paligid sapagkat naenjoy nila ang lugar maliban pa sa masayang musik na kanilang pinapatugtog na talagang lalong nakakaenganyon.


Anu ba ang tinutukoy? Walang iba kundi ang Nivea Slidefest Philippines kung saan una ito sa Pilipinas na may ganitong klasing slidefest at hindi basta ordinaryong slidefest lamang sapagkat mahaba ang slide na ito na umaabot sa 1000 Meters at hindi katulad ng ibang slide na nakaakyat sapagkat ang Nivea Slidefest Philippines na ito ay nakalatag lamang sa lupa at sa dulo ng slide ay may pool slide (ung parang swimming pool pero hindi).


Bago ka makapasok mismo sa slidefest area ay madadaanan mo ang iba't-ibang klaseng inflatable obstacle course, isang maze na pambata pero malaki hahaha na may slide din pero syempre ito ung hindi ka pa mababasa. Susunod dito ay pagbasaan ng foam shower kung saan para ka na ring nagshower pero foam nga lamang kasunod nito ang pag-akyat mo para pumili sa longest slide ever...

I admit it sobrang exciting ang part na yun ang pagslide sa 1000 meters na slide kahit sabihin mo na mahaba ang slide na ito ang bilis yung tipong may dumaan ng na mabilis na kidlat ganun siya pero masaya lalo na kung ang pagslide mo ay mabilis.

Photo credit to Slidefest facebook page
Bago ko makalimutan ang Nivea Slidefest Philippines ay hanggang gabi kaya naman sobrang sulit kung ang nakuha mong passes ay yung whole day dahil pagsapit ng sabi ay andun ang tunay na saya at tawanan dahil sa magaganang musik na dala ng mga magagaling na DJs sina DJ Marlo, DJ Nina at Migs Santillan.

Overall all masasabi kong nagbalik ako sa pagkabata alam mo ung ginagawa mo dati na slide sa storyland sa southmall dati (referring to the old storyland na may playround pa) ganun na ganun.

Congrats sa bumubuo ng Nivea Slidefest Philippines sa masayang event na ito sa uulitin-ulit!

Pasenya na kung wala masyadong kuha ng Nivea Slidefest Philippines Experience sapagkat hindi waterproof ang selpon ko pero hindi naman importante yun eh, ang importante yung moment, yung saya na naradaman mo noong araw na iyon.

Sa mga di nakakaalam ang Breakout Philippines ang nasa likod ng event na ito.

Para sa iba pang impormasyon patungkol sa Slidefest Philippines tumungo lamang sa kanilang opisyal webiste na http://www.slidefest.com.ph/

Comments

Popular Posts