Sabi nga nila makikilala mo ang isang bansa kahit di mo pa ito napupuntahan sa pamamagitan ng kanilang mga pagkain.
Isa ang Thai Cuisine sa masaabi kung medyo malapit ang lasa sa Pinoy Cusine marahil magkatabing bansa lamang ito ngunit subalit masasabi ko din may kakaiba ang thai cuisine isa na dito ang paggamit nila na kakaibang mga pampalasa.
At dahil Thai cuisine na rin ang ating pinag-uusapan bakit di natin tikman at lasapin ang Thai cuisine sa pamamagitan ng Just Thai. Ang Just Thai ang isang restaurant na nagseserve ng authentic thai cuisine at meron silang dalawang branches isa sa BGC at sa Alabang, dahil may malapit ang alabang sa akin kaya naman ayun ang aking pinuntahan.
Umpisahan muna natin sa environment at design ng restaurant, masasabi ko naman maganda, malinis, maaliwalas, medyo cozy and intimate space para sa bawat kakain dito. Mapapansin mo din ang isang malaking salamin na may thai design column na nakaukit dito at ang isang magandang chandelier inspire thai version nito. Kung baga sa isang lalaki perfect ito para sa isang romantic date with a theme of Thai.
|
Poh Plah Tod (Php290) |
Isa sa mga unang sinerve nila ang Poh Plah Tod (Crisp and crunchy thai spring roll) masasabi kung isang tipikal na spring roll na ng pilipino ngunit sumalit may sipa ang lasa dahil sa kanyang kumbinasyon ng ilang sangkap sa loob nito na at samahan mo pa ng isang sweet and spicy na sauce nito.
After the appetizer ang next na sinerve sa amin walang iba kundi ang mabango aroma at talagang katakam-takam na soup na and Chicken Noodle Soup.
|
Tom Kha Gai (190) |
Tom Kha Gai (hot and sour favorite Thai soup) unang tikim ko pa lamang sa soup na to masasabi kung WOW factor, marahil dahil sa magandang kombinasyon ng lemon grass, ginger and ng coconut broth na nagbigay ng matamis na timpla dito.
|
Chicken Noodle Soup (210) |
Chicken Noodle Soup actually wala naman siyang pinagkaiba sa ibang Chicken Noodle Soup natin yun nga lang may ibang lasa ka talaga matitikman dito kung mahilig ka siguro sa medyo matapang o mas tamang sabihin na may sipa ang lasa, i will recommend this to you.
|
Yam Neua (350) |
Next stop ang kanilang salad, na talaga naman nagustuhan ko ang combination nila. walang iba kundi ang Yam Neua, ang ingredients nito ay beef salad with marinated beef served atop of crisp greens.
Ito ang pinakahihintay namin mga foodie ang main dishes ng Just Thai kung saan sinerve sa amin ang ilan sa kanilang mga best seller, interesting ako dito kung bakit nga ba naging best seller ang ilan sa mga dishes nila.
|
Pla Rad Prik (430) |
Unang sinubukan ang Pla Rad Prik (crispy fillet of fresh fish with sweet chili or tamarid sauce) masasabi kung masarap itong gawing pulutan dahil isa siyang tipikal na pinoy food.
|
Pad Kaprow Talay(280) |
Sumunod naman ang Pad Kaprow Talay isang mixed seafood with basil, isa ito sa masasabi kung naging swak sa akin dahil mahirap ako sa mga ganitong pagkain ika nga nila hahanap-hanapin mo yung lasa niya.
Nest stop ang syempre yung may ulam dapat may kasama din kanin hindi ba? pagsasabayin ko na ang dalawa ha.
|
Khao Pad Poo (220) |
|
Khao Pad Phed Neua (290) |
Actually di ako yung makanin na tao pag fine dining ang kakainin sapagkat iba ang timpla nito pero masasabi kung busog ka na dito pa lang kungbaga sa pinoy setting ng food eh rice-in-a-box ang tema nito.
Kahit busog na busog na ako parang may hinahanap pa rin ako eh at yun na nga ang dessert!! At dahil dessert person ako may mga bagay na iniexpect ako sa isang thai dessert.
|
Tha Kho (Php140) |
Tha Kho isa ito sa best dessert na natikam ko sa isang restau parang siya isang maja blanca tas pagtikman mo ang natutunaw sa bibig mo kung baga parang ice cream ang dating at talaga naman mabibitin ka sa sarap nito.
|
Khao Niaow Ma Muang |
Khao Niaow Ma Muang isa sa mga klasik dessert na sineserve sa Just Thai, i must say panalo rin ito lalo na kung ilalagay mo ang kanilang sauce/deep na talaga wow sapagkat ito yung combination ng lasa ito at di lamang yun malalasahan mo talaga na yung mangga na ginamit nila ay natural di yung pilit na hinog.
Bago ko makalimutan sa lahat ng mga call center agent friends ko mayroon sila isang promo para sa buwan ng Mayo sa lahat ng mga kakain dito na call center agents ay magkakaroon ng 25percent na discount sa inyong tutal bill basta ba ipresent ninyo lamang ang inyong valid company id ha.
Para sa iba pang impormasyon tungkol sa Just Thai pumunta lamang kayo sa kanilang opisyal na fanpage sa facebook
https://www.facebook.com/pages/Just-Thai o kung di naman pumunta kayo mismo sa kanilang restaurant sa Alabang (Molito Lifestyle Center, Alabang, Muntinlupa) o di kaya tumawag kayo para magpadeliver ng kanilang yummy Thai food sa 808- 4058 or 87878!
So paano kita-kits na lamang tayo sa Just Thai kung sakali man ha.
Para sa iba pang larawan ng Just Thai pumunta lamang sa opisyal na fanpage ng AXL Powerhouse sa facebook.
Post Sign :
Isang pasasalamat kay
Ms. Kathy Ngo sa kanyang imbitasyon upang ireview ang Just Thai at sa staff/crew nito sa masaya at mabilis na service hanggang sa muli po ulit Ms, Kathy.
Aah, ginutom ako kainis hehe :D
ReplyDeleteAng sarap ng Thai Foods~ gusto kong tikman yung Chicken Noodle Soup saka yung Tha Kho XD