Juandering In Manila 2 Experience

Juandering in Manila 2, Oo tama ang nababasa ninyo, ikalawang Juandering na ito, noong una ay di ako nakasama dahil di nagtugma ang aking sked sa unang juandering, buti na lamang sa ikalawang pagkakataon ay nakasama na ko!

Di ko akalain talaga na makakapasok kami sa Juandering in Manila 2, dahil nagkaroon ng ilang aberya sa isa sa aming grupo, buti na lamang sobrang bait ni Lord at naayos ito kaagad. At isa pa akala ko di din kami makakapasok sapagkat bigatin din ang mga nagsubmit ng mga entry nila para sa Juandering In Manila.

Simulan na natin ang mga naganap sa Juandering In Manila.

Assembly time and place sa pook ng Plaza Sulayman sa Maynila, pasensya na wala ako kuhang larawan ng assembly time, nagtitipid ako sa batterya hahaha..

Para sa kaalaman ng lahat ang Juandering in manila ay inorganisa ng sikat na photoblogger and photogroup sa Tumblr ang JaywalkersPh.

Anu nga ba ang Juandering in Manila, ito ang isang photo challenger kung saan hahanapin mo ang isang bagay,tao,luar o maging hayop at ito'y kukuhaan mo gamit ang iyong kamera, syempre para malaman mo yun may ibibigay sa iyong clue. Kung nanonood ka ng Amazing Race parang ganun ang game na ito.

Unang destinasyon namin ang Luneta Park/ Rizal Park, ang challenge ay kuhaan ang mga taong nakasuot ng kulay ng watawat ng Pilipinas.

Narito ang akin kuhang larawan.




Sunod na destinasyon naman namin ang ang Paco Park, anung gagawin dun, dun pa lamang namin malalaman kung anung meron sa Paco Park.


Anu ang challenge dito? Simple lang naman imodel ang strap ng camera, di lang basta strap yun dahil sponsor challenge yun at take note mahal ng strap, di ko na ipopost dito kung sinu ang nagmodel para sa team namin.

Next destinasyon ang Intramuros kung saan magfofoodtrip kami, ang ibig kung sabihin ay streetfood sa intramuros.



Hanggang dito na lang muna ang kwento ko tungkol sa Juandering in Manila.

Di ko na idedetalye ang iba mag nagaganap sa Juandering in Manila para naman kung sakaling may Juandering In Manila 3 ulit ay talaga naman masurprise kayo sa mga magaganap.

Narito ang ilan sa mga iba pa pangyayari kuha ng aking kamera.




Ang mga naganap noong awarding, sayang di kami nanalo pero ok lang naman kasi nanalo naman kami sa raffle.

 Master Ian, announcing the winners

 Reading what is the prize for the winner

The champion in the juandering in manila 2

winner of lomocam, gusto ko nito eh, sayang di ako nakuha tong raffle na to, miss ko na din maglomocam.


So paano hanggang dito na lamang muna ang kwento, sa susunod na lang ulit, ay teka lang muna, magpapasalamat muna ko sa mga kateam ko kung di dahil sa kanila, di enjoy ang Juandering in Manila experince ko, salamats Gian at Euvir sa lahat.

Kita-kits na lang tayo sa susunod na Juandering, ang balita ko mas masaya daw sa Juandering 3..

Comments

  1. Ay ang galing naman nitong Juandering Manila na ito. Very creative activity to explore Manila. :)

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts