PBO First Project

Sabi nga ni DeAnn Hollis "The heart of a volunteer is not measured in size, but by the depth of the commitment to make a difference in the lives of others."

Unang sabak ng taong ito ay naganap ang unang outreach ko, masayang, overwhelming, nakakapagod pero super bless sa unang outreach!

Ano nga ba ang kwento sa PBO First Project.

Nabasa ko ang isang Post ni Master M ng Unplog para sa kanyang project piso na sinundan naman ng isang post ng kaibigang Arvin ng Archieviner , di ko expect na talagang mapapasama ako dito sa project na ito, una sablay sa sked ko, ikalawa ayaw ko magcommit ng di ko naman magagawa pero salamat sa Dios, dahil siya mismo ang gumawa ng paraan para makasama ako dito sa project na ito.

Narito ang ilan sa mga larawan na naganap sa unang project ng PBO o Pinoy Bloggers Outreach.

The preparation



 Rix :Seryosuhan na to para sa First Project bukas!!
Arline : Syempre!


Dito ko unang nakita si Arline, Rix at Nutmeg.

Enero 08, 2013

This is it, pansit na mainit!

Ito na talaga ang araw para sa unang project ng PBO.

Salamat sa Dios at nakahabol ako, pansamantala ko muna iniwang ang aking shoot sa Las Pinas para makahabol sa meet up ng PBO, buti na lamang maaga at walang trapik ng mga oras na iyun.

Pagkadating sa meeting place nagkaroon ng kaunting pagpapakilala sa isa't-isa at syempre kaunting paghahanda na rin. Pagkatapos ng ilan mga minuto dumating na rin ang ilan sa mga hinihintay na mga bloggers. Syempre anu pa ang hinihintay diretso na sa main event!!!

Ang unang mabibiyayaan ng PBO Project ay ang White Cross Children's Home .

Pagdating sa venue sabak kaagad para ayusin ang lugar.

Narito ang ilan sa mga larawan.







Pagkalipas ng ilang oras ay handa na ang lahat, tinawag na ng tagapamahala ang mga bata para sa aming munting handa para sa kanila..

Narito ang ilan sa mga naganap sa unang project kasama syempre ang mga volunteers.

Ang tatlong payaso na nagbigay kulay sa programa na punong-puno ng energy!

 Si Jun abala sa pagpapakilala.

 Si Arline at ang magandang bata

 Sir Senyor at si Zai

 Zai kasama ang kanyang maganda alaga

 Si Senyor abala sa pamamahagi ng isang itlog ng pugo.

 Si Jay at si Josh kasama ang kanilang mga poging alaga

 Si Jun at Arline kasama ang mga makulit na bata.


At pagkatapos ng isang mahaba-habang oras ng pagpapasaya sa mga bata, mahirap man sa amin mga kalooban kailangan na pagpaalam.

The whole PBO team and the CWCH

Isa sa mga the best na salita na maririnig mo ay ang Thank you mula sa kanila!

Isa sa mga dahilan kung bakit gusto ko ng children outreach dahil gustong-gusto ko nakikita ang bawat ngiti ng mga bata kahit panandalian lamang ito.


So paano hanggang dito na lamang ito! Salamat sa lahat ng mga tumulong para mabuo ito, sa mga sponsor,volunteers,prayers at iba pa!

Hanggang sa susunod na PBO ulit, sana makasama ka na namin kaibigan!

Para sa karagdagang inpormasyon sa PBO pumunta lamang sa  http://pinoybloggersoutreach.blogspot.com/ o ifollow sa twitter https://twitter.com/iHeartPBO

Para sa mga iba pang mga larawan ilike lamang ang AXLPPI sa Facebook



Comments

  1. nyahaha talagang may story yung pic namin ni Arline :)

    ReplyDelete
  2. Wow, gustuhin q man sumama, pero mxdo akong occupied sa trabaho q, pero i know na next time, gagawa si Lord ng way para makasama ako'


    God Bless PBO!

    :))

    ReplyDelete
  3. wow me own blog pala ang PBO
    maifollow nga

    well done PBOers!

    ReplyDelete
  4. Sayang..may mga picture pala kami ni baby aila na now ko lang nakita... tinago mo Axl!! hahaha

    ReplyDelete
  5. again,incomparable ang saya... til next time Axl...

    Wish ko lang sana may leeg ako sa mga shots...lol

    ReplyDelete
  6. Congrats PBOers! Till next project!

    ReplyDelete
  7. congrats ulit sa inyo axl sa first project ng pbo, sana gawing buwan2x na ito hahaha para ang iba na nasa ibang bansa pweding sumali kapag nakauwi sila. so happy to see you all in the pix.

    ReplyDelete
  8. First time dropping by. Must get to know a young kind hearted man like you too. Congratulation. Job well done!

    ReplyDelete
  9. Wala ba ikaw google joun followers para maka koun din ako?

    ReplyDelete
  10. Basta will ni God ang gustong gawin mo matutupad talaga yan. Tutulungan ka ni God mkahanap ng way :-)

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts