The Strangers



The Strangers ay isa sa mga official na entry sa darating na Metro Manila Film Festival 2012.

Ang The Strangers ay pinagbibidahan nila Julia Montes,Enrique Gil,Johnny Revilla,Cherry Pie Picache,Janine de Belen, Jm de Guzman,Nico Antonio and Enchong Dee.

Ang The Strangers ay tungkol sa isang pamilya na gustong magkaroon ng closure ang kanilang mga di-pagkakaunawaan - kaya't isang gabi bago mag-18 ang kambal na sina Pat (Julia Montes) at Max (Enrique Gil) ay naghahanda ang mag-anak para sa isang out-of-town trip. Kasama ang mag-asawang sina Roy at Evelyn (Johnny Revilla at CHerry Pie Picache), ang lolo ng kambal na si Pete (Jaime Fabregas), ang pansamantalang caretaker na si Paloma (Janine de Belen) at ang bagong nilang driver na si Toning (Nico Antonio)ay tutungo sila sa bayan ng Murcia.

Papunta pa lamang doon ay ang dami nang kakaibang pangyayari na magsisimula nang may masagasaan sila na isang matanda. Pagbaba nila sa sasakyan para sana tulungan ito, laking gulat nila ng madiskubre na bigla  siyang naglaho.

Natakot si Roy, nagmadali silang umalis pero ang hindi nila alam ay susundan sila ng malas.Masisiraan ang kanilang sasakyan sa gitna ng isang madilim na kakahuyan. Ang driver na si Toning ay bibiktimahin ng isang misteryosong aswang, sina Roy at Lolo Pete ay biglang mawawala at maiiwan na lang kasama sina Evelyn, Pat, Max at Paloma na hindi man lang alam kung saan sila naroroon.


Matutunton ng apat ang isang lugar kung saan biglang magkakaroon ng mga di-maipaliwanag na aswang attacks. Sa gitna ng gulo, makakahanap si Pat ng kakampi sa katauhan ni Dolfo (Enchong Dee). Tutulungan sila nito pagkatapos maisip nina Pat at Max na hindi sila makakalabas ng buhay sa lugar na iyon kung wala silang tulong sa pakikipaglaban sa aswang.

Ang tanung ngaun mabubuhay ba sila? Matatalo ba nila ang aswang?

Direk Lawrence Fajardo
Ang The Strangers ay nasa ilalim ng direksyon ni Lawrence Anthony Fajardo na siya ding nagdirect ng Posas. Ang Posas ay tinanghal na Best Film sa Director's Showcase sa 2012 Cinemalaya at umulit ito sa nakaraang HAnoi Film Festival sa Vietnam. Si Fajardo din ang nag-direct ng Amok na nakatanggap ng 11 nominasyon sa 2012 Gawad Urian at ang grand prize sa Detective Fest Moscow noong April 2012.

Ang The Strangers ay produksyon ng Quamtum Films at MJM Productions.


For more photos of The Strangers just Like Us of Facebook



Comments

Post a Comment

Popular Posts