She's My MVP


1st day of school noon sa De la salle University of St. Benilde kung saan nag aaral si Erljan sa kursong AB Animation. Si Erljan ay varsity ng Basketball sa Benilde at talagang hinahangaan ng mga girls dahil sa angking galing, talino at kaguwapuhan. Isa sya sa mga tinatawag na crush ng bayan ng Benilde. Si Erljan ay tahimik lang at parang suplado. Kung kayo ay nakanood na ng sikat n

a palabas na slamdunk ay kapareho nya si Rukawa. Ang astig diba? Meron siyang mga cheering squad kung tawagin ng iba. Madaming umaabang sa bawat training niya. May mga humihingi ng number, ngunit hindi niya binibigay. Akala ng iba na si Erljan ay hindi tunay na lalaki, ngunit hindi alam ng iba na may hinahangaan siyang babae na ang pangalan ay Mari. Si Mari ay taga benilde din na dating nag aral sa Southville International School. Siya ay matalino, mabait, magalang, Born again at sobra ang talino. bawat pag tapos ng training ay nag tataka ang mga kaibigan ni Erljan kung bakit siya umaalis kaagad. Iyon ay sa kadahilanan na sinusulyapan niya ng patago si Mari sa bawat Bible study ng dalaga pag tapos ng mga klase. isipin mo nga naman isang Rukawa alike ay may inaabangang babae. ang cool diba?

Isang araw ay hindi nakita ni Erljan si Mari sa bible study. napaisip siya na baka may ginagawa pa si Mari sa klase. Pero dahil nga sa lagi siya nandun ay alam niya na ang bawat pag pasok at uwi ng dalaga. sa tuwing naroon siya ay nakakapakinig na din siya ng salita ng Diyos. kapag nag dadasal ay nag dadasal na din siya. Mahiyain siya, ngunit hindi sa court. kalagitnaan na ng sharing ng biglang may nag salita sa likod ni Erljan.


"uhm Hi, ano po kailangan niyo?". ang sabi ni Mari kay Erljan.


biglang namula ang binata at parang nakakita ng anghel sa harapan niya.


"ah, eh, uhm, wala naman po. nakikinig lang ako sa sharing sa loob." ang sabi ni Erljan.


"ah ganon ba?" ako nga pala si Mari.


"isa akong Business Management student."


hindi pa tapos ang pag sasalita ng dalaga ng biglang sabihin ni Erljan na,"ah Yeah, alam ko. Ah este hindi pala."



halatang-halata ang kaba ng binata sa mga oras na iyon. pano ba naman hindi kakabahan ang binata eh ni minsan ay hindi pa siya nag ka girlfriend at hindi niya inakala na makakausap niya ang babaeng minamahal niya.


"tara pasok tayo sa loob. Welcome na welcome ka dito. Uhm, By the way, what's your name again?" ang sabi ni Mari.


"Erljan nga pala ang pangalan ko. AB Animation student ako." ang sabi ni Erljan.


"tara pasok na tayo. hindi pwede ang mahiyain." ang pilit ni Mari kay Erljan.


Pag pasok palang nila sa room ay may mga nagulat na na mga babae, dahil nakita si Erljan.


"oh my. He's Erljan right? kasi He's so sikat here in Benilde." ang sabi ni Jade na close friend ni Mari.


"ah hindi naman sa ganon. Hindi ako sikat." ang pa-humble na sinabi ni Erljan.


"Hay nako di lang pala siya sikat. Humble pa siya. haha". ang sabi ni Maika na isa din sa close friend ni Mari.


Si Mari ay natuwa lang na kakilala pala siya ng mga kaibigan niya. ngunit iba si Mari sa ibang babae. Natuloy na ang bible sharing at masaya ang mga oras na iyon.


Pag katapos ng bible sharing ay nag yaya sila Maika at Jade kay Erljan na mag Starbucks muna sa tapat ng St. Benilde. Dahil kasama si Mari kaya pumayag na din ang binata.


"Erljan anong coffee ang gusto mo?" ang sabi ni Jade.


"I don't drink coffee". ang nahihiyang pag sabi ni Erljan kay Jade.


"Hehehe pareho kayo ni Mari na hindi mahilig sa coffee." ang sabi ni Maika.


kinilig ng patago ang binata sa narinig.


"orange mango smoothie ang sakin. thank you and eto bayad ko."


ang sabi ni Erljan na di pa din makapaniwala na kasama niya ang babaeng matagal na niyang hinahangaan at may pag kakataon pa siyang makausap ito. Isipin mo isang siakt at star ay kinikilig sa isang babae. cool diba?


"Chocolate smoothie ang sakin Jade. Libre mo ah. hehe mabait ka naman eh." ang sabi ni Mari.


Umupo na sila at mistulang hindi mapakali si Erljan sa kaba.


"totoo ba to? kasama ko ngayon si Mari?" ang nasa isipan ni Erljan sa mga oras na iyon.


"Erljan, ano ang feeling ng crush ng bayan? hehe grabe sikat ka sa school. ikaw ang star ng school. I'm sure naging girlfriend mo na ang mga magagandang babae dito. hehe siguro naging girlfriend mo sila Sam Pinto at Bianca King dito ano?" ang pabirong sabi ni Jade.


"uhm Hindi Jade. Hindi pa ako nag kaka girlfriend". ang nahihiyang pag sabi ni Erljan kay jade.


"REAAALLLLYY?! WEH?!" ang pagulat na sabay na pag sabi ni Maika at Jade. gulat na gulat ang tatlo sa narinig.


"sa ugali at pag katao kasi ako natingin at hindi sa panlabas na character". ang sabi ni Erljan.


"ito oh si Mari. Hindi pa nag kaka boyfriend yan. Mabait, matalino at maka Diyos pa yan. Bonus pa na napaka ganda ng friend ko. hahaha".


ang sabi ni Jade kay Erljan. napangiti lang si Erljan.


"Ano ka ba Jade? Huwag ka makinig kay Jade, Erljan. baliw yan eh". ang sagot ni Mari.


Patuloy pang inasar ng dalawa si Mari.


Matapos ang mahabang pag kwentuhan ay nagsi uwian na sila. baon ni Erljan ang saya sa mga oras na iyon. sa isipan niya ay iyon ang pinaka masayang araw ng kanyang buhay. Ikinuwento ni Erljan sa kanyang close na ate ang mga nangyari noong araw na iyon. todo suporta naman ang ate niya sa kanya. Noong gabi na iyon ay in-add ni Erljan si Mari sa Facebook. Na-accept kaagad ng dalaga si Erljan, dahil palagi siyang online. Mahilig kasi mag business ang dalaga. Nag pasalamat si Erljan sa pag yaya sa kanya sa araw na iyon.


"You're welcome. See u on next bible study. aasahan ka namin ah". ang reply ni Mari.


"Ah oo, sige pupunta ako. promise yan. gusto ko pa mas makilala si Lord". ang reply ni Erljan. 


Laging nag kaka chat sila Erljan at Mari. nag share ng word of God si Mari kay erljan palagi. Lumipas ang mga araw at dumating na ulit ang bible study. kung dati nakadungaw lang sa labas si Erljan, ngayon naman ay madaling-madali na sa kanya ang pag pasok. lalong napalapit ang dalawa sa isa't-isa. At lalong nahulog ang loob ng binata sa dalaga. Malapit na noon ang Laban nila sa Ateneo at todo ang pag ensayo ni Erljan bilang star player ng Benilde. May isang nag kakagusto kay Erljan na si Beatrice. Napaka ganda ni Beatrice. Crush ng benilde kung tawagin. Daig pa ang mga artista sa angking kagandahan. Sa tuwing dadaan siya ay malalaman mo na siya, dahil sa amoy na nakakapang akit. Madaming nanonood sa training nila at kasama ang mistulang cheering squad ni Erljan. maya-maya ay lumapit si Beatrice at inabutan si erljan ng gatorade.


"hey, take this play maker. I know you need this". ang sabi ni Beatrice.


"Oh thanks, but I have my own." ang pasupladong pag sabi ni Erljan.


"So totoo ang rumor na suplado ka nga, but you know that's the reason why i like you." ang bigkas ni Beatrice.


Tumayo na si Erljan at nag shooting nalang.


"ganun talaga si Erljan Miss Beatrice. Suplado talaga yan." ang sabi ni Mico na ka-team ni Erljan.


"Yeah, I know, that's why I like him."


tapos na ang breaktime nila at bumalik na sa training.


"Go Erljan!" ang sabi ni beatrice. Ngunit walang pakielam si Erljan. 


Pag katapos ng Training ay niyaya ni beatrice si Erljan para mag chill sa malapit na inuman place sa benilde. Hindi pumayag si Erljan dahil hindi siya umiinom. Nag yaya si Beatrice sa Kenny Rogers, ngunit hindi pa din pumayag si Erljan. may pananaw kasi si Erljan na Hindi niya papansinin ang babae kapag hindi niya gusto at alam naman niya sasarili niya na si Mari ang nilalaman ng puso niya.


"ayaw ko Beatrice, ok?" ang sabi ni Erljan.


Noong oras na iyon ay umarte si Beatrice.


"ah! ang sakit ng legs ko Erljan". ang sabi ni Beatrice.


dahil sa gentleman si Erljan kaya sinabi niya na,


"bakit? kaya mo pa ba?gusto mo samahan kita sa clinic?"


iba ang ngiti ni Beatrice noon, dahil sasamahan siya ni Erljan sa clinic.


"salamat Erljan ah. ang bait nmo naman." ang sabi ni Beatrice.


Walang imik si Erljan, dahil sa sarili niya ay ginawa niya lamang iyon, dahil kailangan. Buhat ni Erljan si Beatrice at sakto nakasalubong niya si Mari.


"Erljan, ikaw pala iyan." ang sabi ni Mari.


"ah, eh, Mari sumakit kasi ang legs ni Beatrice at kailangan ko siya dalahin sa clinic." ang sabi ni Erljan.


nung araw na iyon ay ang araw ng kanilang bible study.


"ah ganun ba Erljan? Sige tutal maaga pa naman, kaya samahan ko na kayo."


Sinamahan ni Mari si Erljan at Beatrice papuntang clinic. noong oras na iyon ay badtrip na si Beatrice sa mga iksena ni Mari. Noong mga oras na iyon ay nakapuntos pa si Erljan kay Mari sa pinakita niyang kagandahang asal.


"Ang gentleman mo naman Erljan". ang sabi ni Mari.


"ah, hindi naman Mari. kailangan niya kasi ng tulong eh." ang sabi ni Erljan na labis ang ngiting patago.


Noong sila ay papuntang clinic ay puro kwentuhan ni Mari at Erljan ang nangyari at hindi nakasingit si Beatrice. Bago makarating sa clinic ay sinabi ni Beatrice na,


"ay ok na pala ang legs ko. mukang kaya ko na." pabadtrip na pag sabi ni Beatrice.


Binaba ni Erljan kaagad si Beatrice... Noong mga oras na iyon ay masama ang tingin ni Beatrice kay Mari.


"We'll meet again pretty girl." ang sabi ni Beatrice.


"huh? okay. I'm more happy about that miss."


ang sabi ni Mari na walang kamalay-malay na badtrip sa kanya si Beatrice. umalis na si Beatrice at naiwan nalang sila Erljan at Mari.


"tara na Erljan at mag sisimula na ang bible study." ang sabi ni Mari.


"Oo tara at baka mahuli pa tayo." ang sabi naman ni Erljan.


noong oras na iyon ay parang pakiramdam ni Erljan na napakabagal ng oras. hindi natin siya masisisi dahil labis nalang ang pag hanga niya sa dalaga. mga 7 months na niyang hinahangaan si Mari.


"Uhm Mari, paano mo nga pala nakilala si Lord?' ang sabi ni Erljan.


"ah iyon ba? Born again talaga ako simula bata palang ako. Mommy at daddy ko ay active sa church. Mahal na mahal ko si Lord. Gusto ko kapag nag ka boyfriend ako ay born again din." ang sagot ni Mari.


"Ah ganun ba? nice." ngiting pasagot ni Erljan.


"Alam mo swerte ang magiging boyfriend mo Mari, kasi nasa iyo na ang lahat". ang paramdang sabi ni Erljan kay Mari.


Ngunit mistulang manhid si Mari sa pangyayari at sinabi ni Erljan.


"hehe salamat Erljan, pero hindi ko pa iniisip yan". ang sagot ni Mari. 


Matapos ang ilang oras ay natapos na din ang bible study. sabay silang lumabas at nag kakagaanang loob na din ang dalaga at binata. tuwing umuuwi ng bahay si Erljan ay labis na lamang ang saya niya. Si Mari naman ay may namumuo ng pakiramdam kay Erljan, dahil sa angkin ni Erljan na kagandahang loob. Minsan ay nayayaya ni Erljan si Mari na kumain pag katapos ng bible study. Nayayaya niya na din si Mari na kumain kahit hindi bible study. Mas napapadalas ang uwi tuloy ni erljan ng maaga pag katapos ng training at ganun din si Mari. Minsan ay nakikita ng madami na mag kasama sila, kaya ganon nalang ang issue na kumalat. kumakalat na himala at si Erljan ay may babaeng kasama. Bulungan dito at bulungan doon ang nangyari. naging sikat din tuloy si Mari. madami tuloy na mga manliligaw ni Mari ang huminto nalang, dahil na lamang sa hinala na baka nililigawan na ni Erljan si Mari. Labis ang pag ensayo ni Erljan, dahil sa sobrang inspired siya. nagugulat ang mga ka-team niya dahil iba ang performance ng binata. Madalas na din nila nakikitang nakangiti si Erljan. Masaya ang mga kagrupo niya sa pinapakita niya. Lalo na at malapit na ang championship laban sa Ateneo.


"Bro lateley nakikita ko na inspired ka masyado ah. is it because of the girl named Mari?" ang sabi ni Mico na-team ni Erljan.


"Huh? hehe oo pare. matagal ko na tinatago ito. tinamaan ako sa kanya. You know bro. She's the girl in my dream. We will win this championship and I will give my best". ang sabi ni Erljan bilang ace player ng team benilde.


"pare I'm always here. I'm happy for you. atleast napatunayan ko na hindi ka bading. hehe biro lang bro." ang sabi at biro ni Mico.


Halos araw-araw ang training ni Erljan, lalo na at napapalapit ang Championship. lagi na din sila lumalabas nila Jade, Maika at Mari. sa mga oras na iyon ay nahulog na ang dalawa sa isa't-isa. Si Beatrice naman ay umaasa pa din na mapapansin ni Erljan, ngunit aminin na natin na wala na talaga siyang pag asa. Nakahanap na din siya ng bago at iyon ay si Mico. ayos naman sila at masaya naman si beatrice. Noong mga panahon na iyon ay tinatago na lang ni Mari ang nararamdaman niya. gabi-gabi ay naiisip niya si Erljan. ganoon din naman si Erljan na tila kulang ang dalawang oras na pag pupuyat kakaisip sa kanyang minamahal. Lagi silang mag ka chat at minsan ay nag te-text pa.


"Erljan galingan mo sa laban ah". Ang sabi ni Mari. "Oo naman Mari, I will make you proud." ang paramdam ni Erljan.


hindi lang masabi ni Erljan na ang laban na iyon ay para lang talaga kay Mari.


"meron kasi akong gustong babae at sasabihin ko yun sa araw ng laban mismo". ang sabi pa ni erljan.


"ah ganun ba? nice." ang paselos na pag bigkas ni Mari.


Patuloy pa din ang dalawa sa pag uusap.


Araw na ng championship. ang lahat ay kabado sa mga mangyayari. Ang lahat ay nananalangin para sa laro. nandoon din sa laro at nanonood sila Mari, Jade at Maika bilang suporta kay Erljan. Bago mag simula ay nanalangin ang apat na gabayan sila Erljan.


"Erljan galingan mo". ang sabi nila.


Nag simula na nga ang laban at lamang ang benilde ng 5 na puntos. Ganadong-ganado si Erljan sa laban, dahil alam niya na nanonood ang kanyang minamahal. Tanging nasa isip niya lamang ay mga ngiti ni Mari at ang mga salitang sinabi ni Mari na,


"Erljan galingan mo sa laban ah".


kabado pa din ang lahat. sobra ang pag cheer ng karamihan kay Erljan. na yung tipong pangalan niya ang sinasabi at hindi ang pangalan ng benilde.


"Grabe si Erljan, napaka galing niya. " ang sabi ni Maika.


" Oo nga eh. halatang inspired". ang sabi ni Jade.


umabot na nga sa 4th quarter ng laban at sa kasamaang palad ay lamang ang Ateneo ng 10 puntos. Hirap makabawi ang Benilde hanggang sa umabot sa last 5 minutes. Tumwag ng timeout ang coach ng Benilde.


"guys ano ang nangyayari?


Erljan ikaw ang aasahan namin sa laban na ito. Alam ko na may ibibigay ka pa."


Ang sabi ng coach ng benilde...


Kumuha si Erljan ng piraso ng papel at hiniram ang marker pen ng coach nila.


"Erljan ano ginagawa mo?' ang sabi ni Mico.


hindi nag salita si Erljan at may sinulat siya sa papel. humingi siya ng tape at idinikit niya ang papel na may nakasulat sa kanyang kanang dibdib niya. Natapos na ang timeout at bumalik na sila sa court. Nagulat ang madami sa nakitang papel na nakadikit sa dibdib ni Erljan. Isinigaw ng malakas ni Erljan ang nakasulat sa dibdib niya na,


" THIS GAME IS FOR MARIIIII!


I LOVE YOU MARIIIII!"


noong oras na iyon ay sandaling natahimik ang lahat at bigalang napahiyaw ang lahat sa narinig. Medyo kakaiba kasi ang nangyari. Kahit si Mari ay nagulat.


"Oh my gosh Mari, ikaw na!" ang sabi ni Maika at Jade.


nakuha ni Erljan ang bola at nakapuntos, sabay tingin kay Mari. Noong oras na iyon ay naalala ni Mari ang sinabi ni Erljan na,


"meron kasi akong gustong babae at sasabihin ko yun sa araw ng laban mismo."


Noong mga oras na iyon ay naintindihan na ni Mari na siya ang babaeng kinaselosan niya ng oras na iyon at ang babaeng gusto ni Erljan. Bigay todo si Erljan sa laban. iba ang mga tingin niya. 2 minuto nalang ngunit lamang pa ang Ateneo ng 3 na puntos. dahil sa hindi sinasadya ay bigalang natapilok si Erljan. Nagulat ang lahat sa nangyari. Hirap makatayo si Erljan ngunit pinilit niya para sa laban.


"Erljan ipanalo mo ang laban! you are my MVP!" ang sigaw ni Mari.


sa ingay ng paligid ay mistulang tinig lamang ni Mari ang kanyang narinig at nasa isip niya ay,


" makakaasa ka Mari".


1 minuto nalang ang nalalabi at lamang pa ng isang puntos ang ateneo. Masyadong mainit ang laban. puro steal ang nangyari hanggang makaabot sa last 10 seconds. Ang lahat ay napatayo na sa kaba sa init ng laban. tumahimik ng sandali ang buong court.


"Pasa!"


Ang sigaw ni Erljan na handang ibigay ang lahat para sa huling tira.


Nakuha ni Erljan ang bola, ngunit binantayan siya ng tatlong. nag fake siya at pinasa kay Mico. pag alis ng mga bantay ay sabay binalik ni Mico ang bola. 5 seconds nalang ang natitira. Pumwesto si Erljan at nag handa sa huling tira. Naalala niya bigla yung mga panahon na hindi pa siya kilala ni Mari, hanggang sa nag kakilala sila at naging malapit sa isa't-isa. Itinira ni Erljan ang bola ng may buong pag mamahal.


"Lord, ikaw na ang bahala". ang sabi ni Erljan sa kanyang isipan.


Bumagal ang oras at mistulang ang lahat ay nakatulala at nakaabang kung papasok ba ang bola.


......


......


............


"shooook".


Pumasok ang bola mula sa 3 points at tumigil na ang oras ng laban. Nanalo ang Benilde sa iskor na 114-112. Ang lahat ay nag talunan. tumingin at tumuro si Erljan kay Mari at parang sinabi na,


"This is for you Mari".


Niyakap ng lahat si Erljan at binigay ang trophy. maya-maya ay pinag salita na kaagad siya bilang MVP gamit ang mocrophone.


"1st of all, I want to thank my mom and everyone. And ofcourse I want to dedicate this trophy to the girl I love. Mari you are the reason why I'm so inspired. You are the reason why I have this trophy now and I've always love you since the 1st time I've met you."


Agad siyang tumakbo pataas kay Mari. ang lahat ay nakatingin at kinikilig sa nakikita. ang iba pa ay nahiyaw.


"Go play maker! Binata ka na!" ang sigaw ng karamihan.


dali-dali siya sa pag takbo hanggang sa makarating kay Mari.


"Mari, this success is for you. I Love you so much. Hindi ako nag mamadali, pero gusto ko lang malaman mo ngayon ang nararamdaman ko". ang sabi ni Erljan.


Natahimik si Mari at nakangiti.


"Salamat din Erljan. Gusto din kita, dahil sa kagandahan ng ugali mo. Hindi pa ako handa sa ngayon, pero makakaasa ka na ikaw lang ang lalaking papansinin ko." ang sabi ni Mari na hindi maitatago na kinikilig din naman.


Sinuot ni Erljan ang Medal kay Mari sabay tingin at kaway sa baba.


"She's my MVP!'


ang sigaw ni Erljan. 


Pag katapos ng araw na iyon ay nag kalinawan na ang lahat. makalipas ang 6 na buwan ay naging sila Erljan at Mari. Natapos na sila sa college at patuloy padin ang pag mamahalan ng dalawa. Partners sila sa business nila ngayon. Nangako sila na sila na habang buhay.


----------------------------

Guest Post
Mula sa panulat ni Eli-ieouna T. Jhamboy isang blogger,kaibigan at businessman.        
Picture credit to AXLPPI

Comments

Post a Comment

Popular Posts