Ang Ikatlong Saranggola Blog Award Night



This is it, ito na to.... Ito ang aking unang pagkakataon na umattend ng isang blog award na may entry ako at ito rin ang 1st time kung mameet ang mga iba't-ibang mga  kalahok sa SBA.




Time Check 7:00PM

Isa- isa na dumating ang mga ilang mga kalahok sa SBA at syempre habang may dumarating ay kailangan makipagkilala sa mga ito, lalo pa't dumating ang ilan sa mga magagaling na bloggers at habang hinihintay namin magsimula ang programa ay nakipag-usapan muna ako sa mga bloggers, syempre kasama na dito ang bagong dating mula sa Dubai na si Iyah (thanks sa pasalubong at sa postcard), na 1st time ko na meet, si Iyah ay isa sa mga kakulitan ko sa mundo ng twitter, Si Cj na nagmula pa mula Davao para umattend ng SBA 2nd time ko na siyang nakita, nagkaroon ng kaunting kwentuhan about sa Davao get-away from July at para pag-iba, Si Biboy ng AdoboShop na 1st time ko na meet, (isa sa hinahangaan ko pagdating sa Photoblog dahil sa ganda ng mga snapshoot at ang mga kwento doon sa larawan) pinag-usapan naman namin ang aming project for next year para sa Photowalk Adventure.

Halos tumagal din ng ilang oras bago kami magsimula ngunit naging masaya naman iyon sapagkat nagkaroon kami ng pagkakataon para makausap at pagpicturan ang ilan sa mga bloggers.

NArito ang ilan sa larawan bago magsimula ang programa.



Si Cj bilang Register

Cj & Madz

Bino & Iyah

Ang U-blog Family
(From Left up) Xander,Berl,Kurog, Joel
(From Left down) Rj,Tolits, Mel


Pero bago magsimula ang awards night ay kumain muna kami.


TimeCheck 9:12PM

Ito na talaga simula na ng SBA Night.

Ang Host ng gabing ito walang iba kungdi ang mga energetic and bubble na sina Joel at Bebang.



At syempre bago magsimula ang programa kailangan muna ng isang dasal para sa maganda at maayos na gabi, ito'y pinangungunahan ni Zyra.


Pagkatapos nun ay ang Opening Remark mula sa Founder ng SBA na si Bern Umali, dito rin niya sinabi ang kung paano nga ba nagsimula ang SBA at anu ang rason niya kung bakit niya ito binuo.

At ipinaliwanag din niya ang dalawang dalawang Category ang Blogsikat o mas kilala bilang people choice award at ang Blog Galing para naman sa Judges Choice.

Di lamang yun dahil ngaun taon ito ay nagkipagcollaboration ang SBA sa Isang Minutong Smile kung saan ang bawat kalahok ay magbibigay ng mga laruan para sa mga batang medyo kapus ito'y sa pangunguna ni Zyra, at ipinaliwag din ni Zyra kung bakit sila ang napili nilang bigyan ngaun taong ito.



Isa sa mga surpresa sa gabing iyon ay ang pagkakaroon ng isang Stand-Up Comedian, na siya naman naging pampagana sa gabing iyon na walang iba kungdi si Bullet.

Si Bullet ang nagbigay ng walang humpay na tawanan sa amin mula sa magiging wholesome jokes hanggang sa green jokes, grabe ang lakas ng tawa ko, samahan mo pa ng isang mash-up song nnumber at isang lips sing ni Lani Misalucha at isang pakulo na laro. Kaya Bullet isang malaking Thanks.

Pagkatapos nun ay ipinakilala naman ang mga Hurado para sa BlogGaling.

Narito ang kanilang pangalan.

Libay Cantor hurado para sa Kwentong Pambata
Abbey Alcantara hurado para sa Kwentong Pambata
Maggie Baybay hurado para sa Kwentong Pambata
Mila Aguilar hurado para sa Tula
Wenn Fujilan hurado para sa Maikling Kwento
Philip Kimpo Jr hurado para Tula
Kara Capara hurado para sa Freestyle at Larawan
Nonita Marte hurado para sa Maikling Kwento
Nesty Ocampo hurado para sa Freestyle at Larawan
Beverly Sy hurado para sa Maikling Kwento
Wyndee Mixto hurado para sa Freelance
Michael Marquez hurado para sa Maikling Kwento
Ronald Verzo hurado para sa Tula
Fritz Gerenia hurado para sa Fresstyle at Larawan

At syempre pagkatapos ipakilala ang mga Hurado ay ang mga nagwagi na para sa bawat kategorya ng kanilang sinalihan.

Mula sa BlogSikat:
      Maikling Kwento   - Jonathan
      Sikat Tula        - Jose M Penas Jr.
      Kwentong Pambata  - Ian Albert Austria
      Freestyle         - Ariston
      Larawan           - Cj Salas

Mula naman sa BlogGaling
      Maikling Kwento   - Duking
      Sikat Tula        - Soriano
      Kwentong Pambata  - Gerald Taripo
      Freestyle         - Erwin Quintos
      Larawan           - Biboy Ordianio
                                 Carlo Rey Vidano


Ito na ang inaabangan ng lahat ang Kalabasa Award kung saan nagbibigay ng isang masayang title para sa isang bloggers.

Narito ang ilan sa mga nanalo ng gabing iyun.


Twitter King - Bino Bautista
Controversial Blogger   - Kurog
Singing Idol 2011 - Christopher Losana
Promising Singer 2011 - Bino Bautista
No.1 fan ng mga Bading - Bebang
Tumblr King - Goyo
Pure Energy - Joel
Suki ng mga Bading - Fritz
Fine Arts - Tsi
Larawang Kupas          - Jason De Guzman
Isa sa mga best award
Ikaw na ang Umaattitude - Anton Carranza at JM  Bueno
Paru-Parong Bukid - Joel
Miss Eyeball Queen - Mel Catedral
Tambay ng Bahay - Lea Sayomac
Prestigious Award - Mark Salvador
Ubog Couple of the Year - Zyra & Lester Bambico
Singing Sentation & Lifetime Achievement Award - Jason De Guzman

TimeCheck 12AM

Its time for a games.

Di ko alam kung anu ang tawag sa game na yun eh ang alam ko lamang ay hinati ang sa dalawang grupo at mga bloggers, lima mula sa blogspot at lima para sa wordpress. At ang nanalong grupo ay mula sa Blogspot sa pangunguna ni Anton aka PusangKalye.

Ang ikalawang laro naman ay ang Reverse Charade kung saan paahulaan ng word ang bawat grupo.

At ang pinakahihintay ng lahat ang token para sa Top 5 earlt birds at ang Trivia Questions na mula kina Kumagcow at PusangKalye na sinundan naman ni Kuya Bern.

Time check 1:30Am

End of the The 3rd Saranggola Blog Award Night pero syempre di mawawala ang Picture taking at ang after party even kung saan mas more bonding para sa lahat ng mga bloggers.


So paano hanggang dito na lamang ako, kita-kits tayo sa susunod na Saranggola Blog Award Night.


***********************************

For more photos about this, you can like us of Facebook


Comments

  1. Aww.. Bakit namiss ko toh! Sana makasali ako sa next season :)

    ReplyDelete
  2. ansaya. sana next time makasama na ako. lols

    ReplyDelete
  3. wow! sana maka maimbitahan di ako dyan minsan haha, Congrats sa mga nanalo!u

    ReplyDelete
  4. dapat tinanggal mo yung eyebags ko sa photo hahahaha

    ReplyDelete
  5. magaling k talaga kumuha ng mga litrato...oneday sana mkunan mo din ako :)

    ReplyDelete
  6. well done and well said

    ReplyDelete
  7. ang saya naman ^^ bino ha...andaming awards haha..anyhoo congrats sa mga blog galing at blog sikat at sa mga nakalabasa...naku di ko talaga alam ang mga dates ng mga blog awards na to ...kahit ung PEBA haha..sana next year makadalo ako ng blog event ^^

    ReplyDelete
  8. congrats sa mga nagwagi ng Saranggola Blog Awards. At ang saya naman daming blogger.

    ReplyDelete
  9. congrats sa mga nagwagi ng Saranggola Blog Awards. At ang saya naman daming blogger.

    ReplyDelete
  10. daming awards night. congrats sa mga nanalo.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts