The Bash of Louie Marie....

Its been  a week bago ako ulit nakapagblog, sobrang naging busy lang lately dahil sa maraming mga events na inaayos at pinupuntahan, anyway sisimulan ko ang 1st October post ko ng isang masaya at nakakatakam na entry.

Isa sa mga event na dapat sana ay sobrang saya at dami ng bisita ay biglang naglaho dahil sa mga di inaasahang pangyayari sa kanya, ayun yun simple ang kanyang sked sa trabaho, si Louie Marie ay isang callgirl o mas kilala bilang isang call center representative sa isang sikat na companya sa may Alabang,ang plano dapat namin ay Saturday, September 17, 2011 sa ganap na 7Pm to 5Am sa temang Party Like No Tomorrow, pero dahil nga sa biglaang pagpalit ng kanyang restday sa trabaho eh nagulantang kaming dalawa, buti na lang di pa naman nabibili yung mga ingredients sa pagluluto kaya kahit paano masusulit ang mga ilang pera sa ibang bagay.
At dahil nga naiba ang kanyang sked eh, tinext niya kaagad ang mga ininvite namin mga bisita kaso ang problema di sila pwede sa sinabi naming sked na Sept 15, 2011, 7PM to 11PM, kaya naman nalungkot kami pareho pero buti na lang may mga ilang mga bisita na pude sila sa mga oras na yun, sabi ko sa kanya ok lang kahit kaunti lang ang pumunta kahit paano eh, maeenjoy mo ng husto ang kaarawan mo.

Kaya naman sa tinakdang araw ng kanyang kaarawan, ang unang ginawa niya syempre anu pa nga ba, pumunta sa simbahan upang magpasalamat sa mga biyayang kanyang nakuha at isang magandang karanasan sa nakalipas at sa kasalukuyan.

Narito ang ilang larawan sa simbahan:






At pagkatapos sa simbahan ay diretso kami sa Sm Southmall para bilhin yung mga ingredients sa lulutuin ko, syempre lunch na rin sa may foodcourt, ang walang katapusang The Rice In A Box.



Pagkatapos ng mga tatlong oras na pagluluto, syempre dapat ng ayusin ang lamesa para makapaghanda na, dahil sa ilang saglit na lamang ay sigurado akong dadating na ang mga bisita.

Narito ang larawan sa handaan:








At mga ilang saglit na nga ay dumating na nga ang mga bisita.
Unang dumating si Mitchie na may dalang cake mula sa Goldilocks.
At syempre sumunod na rin ang ilan sa kanila.

Narito ang larawan naganap:

Tara kain

Tawa to the max

The Chinitas

The Lovers corner

Tara kanta tayo

The visitors

Pagkatapos yun ang hinihintay ng lahat,ang inuman galore, kaya naman nagpabili na sila ng panimula, ang masarap na bawal i-share sabi nga ni Lord de Vera ang Tanduay Ice, mga dalawang inum para sa susunod na iinumin...

Ang GSM Blue Apple Flavored Spirit, ang kaso di naman masyadong malakas yung tama niya dahil mababa lamang ang alcholic content nito pero kahit ganun ay matagal namin ito bago matapos.

Ang sumunod naman ang pinakahihintay ng lahat ang The Bar Citrus Tequila, na ang sabi nila ay malakas ang tama at mainit sa lalamunan nito, di nga sila nagkamali, mainit nga sa lalamunan at matapang kumpara sa ibang The Bar variant nito.

Narito ang ilang eksena sa inuman galore:

The 3 liquor variant

Sige inom lang

Ang pulutan at inumin


With highschool friend Jopay
With college friend Rom

Natapos ang Bash ng around 3Am, expected namin nga 5Am kaya naman nagulat kami dahil maaga sa inaasahan namin.

Tinanong ko si LM kung happie ba siya, oo daw kaya naman sulit ang pagod.

Till the next jamboree mga kablog.

XOXO

Comments

  1. alam mo ba na mahilig ako sa spaghetti? HAHA di na talaga mawawala ang spag sa mga handaan hehe :D

    ReplyDelete
  2. parekoy wala akong nakikitang salad hehehe.. o ano bang lay-out ang gusto mo sa blog mo ?

    ReplyDelete
  3. nice! ako na ang nagcra2ve ng spaghetti ngaun! haha

    ReplyDelete
  4. di namna masyadong bday feel.walang beer at kaunti lanmg ang handa---parang buong barangay lang kakain.hahaha. pero nanakam ako sa jelatin--fave ko yan eh. ako tagaluto ng jelatin pag xmas or new year tas pinupuno ko ng gatas.sarap sarap..:D

    ReplyDelete
  5. Ang sarap naman ng pagkain. I can see through the pics that the birthday celebrant did have a happy birthday! :)

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts