Event: Danica Mother's Birthday

Sabi nga nila sa bawat pagdagdag ng ating mga edad ay syang dagdag ng ating mas madaming biyaya sa may likha, tama nga naman yun dahil pasalamat pa tayo at andito pa tayo sa mundo para magpamahagi ng biyaya ng may likha at maging mapagpasalamat sa mga darating pangbiyaya mula sa kanya.

Its a new day again ika nga.

Dahil ako'y naimbitahan sa isang munting salo-salo ng aming kapithay para daw ito sa kanyang kaarawan at isang masayang despedida na rin dahil siya aalis na papuntang Japan upang magtrabaho ulit para sa kanyang pamilya.

Una nahiya akong pumunta sa pagkat di naman ako madalas pupunta kung kaninong bahay lamang at di ko pa ito madalas makausap man lang sa isang munting meeting sa aming village, pero sabi nga ng isang kaibigan ko, kung wala ka naman gagawin sa araw na yun at libre ka naman, pumunta ka na sayang din yun di dahil sa may pagkain kungdi isang masayang pag-uusap din ang magaganap (ika nga nila sa bawat pag-uusap ng iyong gagawin ng iyong kakilala man o hindi tiyak na may bago kang mapupulot na bagong kalaman na maaari mo rin gamitin sa tamang panahon.)



At dahil nga siya ay nagtratrabaho sa japan syempre marunong siyang magjapanase at ako naman eh marunong ng kaunting mandarin so kahit papaano eh nagkakaroon kami ng mga bagong kaalaman sa isa't-isa, di lamang yun  nagkwento pa siya ng mga naging karanasan niya sa Japan kung saan nagtratrabaho siya bilang isang Housekeeper at di lang yun doon ko lang nalaman na sa Japan pala eh pinupulot lang mga magagarang kagamitan katulad na lamang ng mga mamahaling mga carpet,fridge-freezer at iba pa dahil mga 20 percent ng kanilang mga gamit eh napulot lamang nila, alam ninyo kung bakit? dahil sa Japan pala eh pagnarerenovate o maglilipat ng bahay eh iniiwan na lamang nila ito o di kaya ay itatapon na lamang kahit na ito'y di pa gaano nagagamit.

Syempre dahil party ito malamang may mga munting salo-salo para sa kanyang mga bisita.

Narito ang ilan sa mga pagkain.

The Main Menu 







The Dessert 








At pagkatapos namin kumain, tinour kami ng celebrator sa kanyang munting bahay, naamaze ako sa kanilang bahay dahil kahit maliit ito eh punong-puno naman ito ng mga mamahaling mga gamit mula sa telebisyon patungo sa mga muebles.

Narito ang ilan sa kuha sa loob ng bahay.










So paano hanggang dito na lamang magtatapos ang aking munting entry hanggang sa susunod na lang ulit.


XOXO  

Comments

Post a Comment

Popular Posts