Chic-Boy ( Chicken at Baboy )
Heto na ang aking munting Food Review para sa araw na ito ang CHIC-BOY mula sa salitang chicken at baboy.
Ang Chic-Boy ay isa sa mga owned and opearted by PIER ONE BAR & GRILL Holding Corp.
By the way ito Chic-boy Resto na to ay matatagpuan sa Jupiter St. Brgy Bel-Air just across the Petron Station in Makati Ave.
Kagaya ng sabi ko noon kung nabasa ninyo ang aking teaser dito eh kaya naman ako napunta dito dahil sa treat sa akin ng aking mabait at magling na kuya ko.
Narito ang ilan sa mga inorder..
Ito ang aking inorder Cebu Lechon Manok Breast Part with rice cost Php99.00 only and i most admit sobrang sarap niya grabe and juicying juicy siya at samahan mo pa ng isang masarap nilang sawsawan na suka di ko alam kung anung ingredient ang nilagay nila pero sobrang sarap...
Ito ang inorder ng aking kuya Cebu Lechon Manok (Half) cost Php120.00 only nagulat man ako dahil sabi niya nagdidiet daw siya pero half yung inorder niyang chicken anu ba yun, pero kaagaya ng iba syempre no rice siya, at syempre di ko na rin pinalagpas na tikman yung inorder niya kung same lang ba ang lasa at noong tikman ko ito wow sobrang sarap di mo na nga kailang ng sarsa dahil sa lasa nito and i think dahil sa mga ilang ingredient nito na katulad ng lemon grass and garlic leave na nagbigay ng malimanman na lasa.
Isa pa para sa amin ni kuya ang Tinola Salmon only cost at Php49.oo tamang-tama to para sa mga nagtitipid pero gusto kumain ng masarap na ulam, ito ang para sa inyo dahil swak na sa budget swak pa nagugutom na kalamnan, di lang yung masustansya pa dahil sa isang salmon na magbibigay ng Omega 3.
And by the way kung gusto ninyo ng bottomless ice tea sa mga meal ninyo you can just add Php25.00 only at want to sawa ka na sa ice tea nila and yung mga inorder namin eh unlimited rice aside lang sa Cebu Lechon Manok (Half)..
At syempre kung mag good ang mga food nila medyo may kaunting di ko lang nagustuhan sa resto na to ang mga crew and i most admit yung pagpasok ko ang dami nila at i think yung iba dito eh mga trainee nila.
At dahil nga nasarapan ako sa kanilang sabaw eh tinanong ko ang ilang sa mga crew na andoon kung anung klaseng sabaw yung and nagulat ako sa mga naging sagot nila yung unang crew tinanungan ko ang sabi pait-paitan nagulat naman ako dahil sa tingin ko di yun pait-paitan dahil medyo maasim ang sabaw ko at matamis ng kaunti kaya ang ginawa ko eh nagtanong ulit ako sa ibang crew at ito naman ang kanyang sagot nilagang baka daw, at nagulat ulit ako kasi kung nilagang baka yung di ko nataste yung lasa ng beef at sabi ko sa sarili ko baka naman trainee yun pero kahit na dapat alam nila kung anung klaseng sabaw o anuman ang iseserve nila eh dapat alam nila yun lalo't pa na nagsisimula pa lang umusbong ang Chic-boy kaya sabi ko sa sarili ko yun time na yun eh last na at pag di pa rin tama ang sasabihin ng last crew na tatanungin ko eh baka di na ko bumalik sa Chic-boy branch na to kaya ang tumawag ulit ako ng isang crew at umorder ng isa pang sabaw at tinanong ko na rin kung anung klaseng sabaw ito at ang sabi eh sinigang na hipon ito at buti na lang eh tama siya kung hindi ewan ko na lang baka bigla ko na lang tawagan ang manager at don tanungin kung anu ito at buti na lang at tama siya dahil yung tikman ko ito may nalasahan nga akong kaunting seafood di ko lang sure kung hipon nga yun.
In terms of ambiance naman tayo maganda ang ambiance ng chic-boy compare sa iba dahil mas maaliwalas ang dating at maganda yung mga testure ng kulay.
Narito ang ilang larawan na kuha ko...
Papicture muna habang hihintay ang food.
Chibog-busog Meals.
Ang treademark ng Chic-boy ang kanilang sarsa para sa lechon manok at baboy kung sa iba eh simple sili at tuyo lang ang meron sa kanilang sawsawan dito ito, may sarili silang version ng Mang Tomas ang Chic-Boy Lechon Sauce tama lang ang timla nito at lasang lasa mo ang ng pagkasarsa..
So paano hanggang dito na lang ulit, hanggang sa susunod na food trip na.
XOXO
gusto ko yung concept ng store...
ReplyDeletevery nice!
Nagutom ako bday boy... lalo na yung garlic sawsawan...
ReplyDelete@roy.... whahha oo maganda nga..
ReplyDelete@moks... whahaha sobrang sarap moks...
Picture palang ang sarap na tingnan. Nakakagutom tuloy :). Pero mura sya kung tutuusin.
ReplyDeletenasubukan ko na yung iba nilang specialty. ok naman but not really that good. but looks like they're getting a lot of attention lately.
ReplyDeletehhhmmm. nakakagutom :(
ReplyDeletena try ko na yang chic-boy. masarap naman in fairness. maligayang kaarawan hehehee
ReplyDeleteSarap!
ReplyDeletewow ang mura pala ng food diyan, makakain nga diyan ng minsan
ReplyDeleteHI AXL! Una sa lahat, HAPPY BIRTHDAY!!!
ReplyDeletehehe dalaw ka naman sa new blog ko. :D
Happy Birthday AXL!
ReplyDelete@tian... hehehe yeap mura and sulit!
ReplyDelete@dongho.. yeap... yung iba di ko rin gusto eh...
@ester.. hehehe tara kain..
@bino.. hehehe thanks :D
@anonymous.. sarap talaga :D
@lonewolf... tara kain tau minsan..
@neil.. heheh sure... thanks :D
@dylan// thanks papeng :D
yown! chic-boy! :D
ReplyDelete