Bahay Kubo

Isa sa masasayang sandali sa aking pagkabata  noong nasa barrio pa nakatira ang aking ima at tatang (referring  to lola't lolo) dahil yung kanilang bahay eh masasabi kung bahay kubo pero malaki iyon yung tipong pude ka talaga tumira at ang tibay yun ha kasi kahit ilang bagyo na ang nagdaan eh matatag pa rin siya, anyway kaya ko lang naman nasabi eh dahil tuwing magbabakasyon kami ng aking mga insan eh madalas kaming tumbay sa ilalim ng bahay kubo kung saan andoon ang ilang sa mga kagamitan para sa pagsasaka at pagngingisda ang aking lola kaya kami eh yung ang ginagawa namin nga lalaki noon na kunyari-kunyarian na magsasaka at mangingisda at yung mga babae naman namin ng mga insan at maging mga kapitbahay na bata eh sinasali namin.
At ang laro doon eh dapat paramihan kami ng mahalukay na lupa at makuhang mga magkain at makuhang isda (by the way may yung pangkuha naman ng isda eh malapit lang dahil yung likod ng bahay kubo eh ilog na.) at kung sino ang pinakamarami eh siya ang panalo...

At di lang un doon ko rin naranasan kumuha ng isda daming ang traditional na panghuli yung parang maraming tusok-tusok di ko na maalala kung anu tawag doon eh basta di siya lambat eh ang ang hirap pala halos 30 mins bago ako makahuli noon ng isda at ang tatay ko ang nagturo sa akin yun kahit na di ako marunong lumangoy noon para lang sisirin ang ilog.


Ito nga pala yung bahay kubo nila tatang at ima bale ito na yung dummy niya kasi lumipat na sila noong nakabili na ng mas magandang lote at yung medyo malapit na lang sa bayan..


Yung loob ng dummy na ito eh mga lumang kagamitan at may nakita pa nga akong mga lupang pera kung di ako nagkakamali eh Japanase Money yun (dahil noong nagbakasyon ako dito eh isa ko sa mga naglinis) at ilan sa mga lumang gamit dito eh yung mga libro ng mga tito't tita ko na animo'y pinagdaan ng bagyo at may nakita rin ako dito na ilan libro na Spanish.

At ito ang ilan sa mga bahay kubo na makikita sa bayan.



Isa sa mga magagandang bahay  kubo sa bayan...



XOXO

Comments

  1. ibang klase na mga bahay kubo ngayon ah

    ReplyDelete
  2. Ang ganda nung second to the last bahay kubo. Ang charming :)

    ReplyDelete
  3. seriously, namimiss ko rin yung dati naming bahay sa gitna ng kawalan. ewan ko.mas masarap ang tulog ko don sa gabi. ganun talaga ata laking probinsya.hehehe

    ReplyDelete
  4. wala akong masyadong makitang bahay kubo ngayon ung tipong malalaki talaga na pang renaissance ang dating.

    ReplyDelete
  5. Axl namis ko yung bahay namin sa bacolod parang gamito ... sarap ng pakiramdam pag sa probinsya nakatira nga lang mabagal ang oras hihi

    ReplyDelete
  6. namiss ko tuloy ang bahay ng lola ko. :(

    ReplyDelete
  7. minsan na lang ako kakakita ng kubo sa ngayon. at kakaibang kubo ang nasa huling larawan. LOL

    ReplyDelete
  8. @bino.. whahaha oo ngaun na nga :O

    @kat... whaha oo no ganda..


    @anton whahha oo ngaun na nga.. apir tayo diyan..


    @kaswak.. oo ngaun wala ka na talaga makikita...

    @chino.. whahahah miss ko din yun ganun.... wow bacolod ka pala... oo yun nga lang mabagal ang oras sa province...

    @empi.. tara balik province tau :D

    @moks.. whahha ganun talaga :D

    ReplyDelete
  9. antique na ang kubo.ang galing.maraming ganyan sa bicol kasi bahain kaya mataas ang silong.

    ReplyDelete
  10. @ DR.. oo nga daw eh mostly ganun nga ang bahay kubo sa bicol..

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts