Circle Island Resort

Sabi nga nila dapat sulitin ang bawat oras na kasama mo ang mga pamilya at mga kaibigan mo dahil di mo alam kung hanggang kailan kayo magsasama o magiging masaya di ba?

Dahil summer na at mainit ang panahon, anu pa ba ang dapat gawin kung di magswimming at magbonding kasama sila di ba?

Dapat ang destination namin nito eh sa Batangas, ang kaso ayaw ng mga Elders dahil bukod sa madaming sakay eh malayo pa daw, eh di sundin ang mga Elders bilang respesto sa kanila.

So ang ending eh sa Cavite ang aming destination..

Ang pinakamapit at isang sakay lang papunta doon, mula sa Sm Southmall isang jeep lang na 18PHP papuntang Molino.

Ito na ang Circle Island Resort kung saan eh ilang distansya lang ang layo mula sa Molino Branch ng  University of Perpetual Help System.

Ayon sa website ng Circle Island Resort ito daw eh "Circle Island Resorts brings you a place for fun and play for you to relax and unwind after your weeklong days from work or to just getaway from daily life routines."
At doon ko masusubukan kung totoo nga ang mga bagay-bagay na ito.

Entrance to Circle Island Resort
Ang entrance fee sa Circle Island Resort  eh Php150 and i most say mura na siya dahil sa ganda ng mga Amenities tsaka nga pala ang kinuha namin cottage eh yung yung worth 100PHP sulit na rin kasi malaki kasya ang 11 na tayo sa loob at may kasama na siyang mga upuan na extra at may katabi na siyang grill kung saan pude ka mag-ihaw pero ang isa lang sa di ko gusto eh yung shower area nila dahil wala itong lock kaya medyo nahirapan ako sa pagshower.

Puntahan naman natin ang mga Pool ng Resort..

Kids Pool
IN terms of Kids Pool, oki siya sobra akala ko nga yung una eh medyo malapit eh dahil puro mga matatanda yung mga andito kasama ng mga buliliit, pero tama lang pala talaga para sa mga bata dahil sobrang babaw lang ng tubig yung di ako nagkakamali eh hanggang 4feet lang ang pinakamataas.
At nakita ko naman sobrang enjoy ang mga bata sa pool na to aside from that may mini slide pa.

ADULT POOL
Ito na ang isa mga pool na nasa resort ito for adult na dahil may lalim ito ng mula 4 1/2 feet to 6 feet at i admit di ako magaling lumagoy kaya hanggang sa may 5 feet lang ang kaya ko ang gusto ko lang dito eh sobra saya dahil sa dami mong makikilalang mga batang sobrang galing magswimming aside from that nainggit ako dahil yung iba eh kumukuha ng mga pictures underwater (di kasi waterproof yung cam ko) at madami rin akong mga nameet na blogger sa lugar.


Ito namang side na to eh yung 5feet dito ako madalas dahil dito lang ang kaya ko aside from that eh masarap tumabay sa ginawa nilang falls (falls nga ba yun?) kung saan magmemeditate ka sa ilalim nito pero di ko kinaya dahil ang sakit sa ulo ng bagsak ng falls..


Ito yung sinasabi ko sa inyo na falls.. whahaha ang kulit lang ng bata na to.

Here some of the pictures:

Circle Island Resort Place
Circle Island Resort Eagle Statue
Family and Friends

The Exit
 And i conclude na ok tong resort na to in terms of relaxation and kung swimming ang hanap mo, isa pa sulit din dahil ilang minuto lang eh andito ka na kung manggagaling ka sa Las Piñas, in term of the accommodation ng mga staff medyo di ko nagustuhan dahil medyo may pakasuplado mga ilang mga staff na nakausap namin.
Pero overall pasok sa banga ang Resort na to..

Ikaw nakapagrelax ka na ba ngaun summer?  Kung di pa try mo tong Circle Island Resort, o kaya namn kung may pera ka pa you can try ilang beach sa Batangas sobra ganda at ang linis pa ng mga tubig.

So paano hanggang dito na lang ako..

XOXO

Comments

  1. sarap, kaso matao. pero ayos kasi pede mag tshirt.

    ReplyDelete
  2. @gelo.. oo yun nga lang matao ksi weekend kami pumunta :D v

    ReplyDelete
  3. family bonding nakakamiss!!

    ReplyDelete
  4. medyo mas gusto ko kapag private resort kasi hnd maxadong matao. wala lng opinyon ko lang

    ReplyDelete
  5. @bon... hehe ok lang yan im sure pagdating mo babawi ka din :D


    @Mg.. oo yun nga eh kaso weekends kami nakapunta eh kaya madaming tayo :D

    ReplyDelete
  6. di ba kayo naliliitan sa l\place.. daming tao ano.. hehehe

    ReplyDelete
  7. @kiko.. whahah di naman.. malaki naman siya eh :D

    ReplyDelete
  8. mukhang masarap maligo kung kayo kayo lang ang nandun, ang daming tao, para tuloy mga itik, hindi makalangoy.LOL

    ReplyDelete
  9. oo nga naman tama ang mga elders. bakit pa lalayo kung tamang bonding lang ang kailangan.

    Nice idea. magaling

    ReplyDelete
  10. Astig. Hindi ko alam yung place na yan pero 18pesos lang from SM pala.

    ReplyDelete
  11. @will oo 18 pesos lang... sulit ang byahe ang bilis!

    ReplyDelete
  12. parang hindi ko ata naranasan ang ganitong family bonding...wala lang, nainggit lang.

    ReplyDelete
  13. @akoni.. anu ka ba i know someday u will get there :D

    ReplyDelete
  14. in perness. mura nga!!!! at makulay pa.

    ReplyDelete
  15. oo ako na ang inggitera.....i love crowd kaya ok lang khit madaming tao..

    ReplyDelete
  16. Wow. Puro bakasyon lang ang ginagawa mo ah.. Kainggit! Di pa ako nakakapagswimming this summer. hahaha.

    Nice, bagong looks ang bahay. :D

    ReplyDelete
  17. inggit naman ako dun hehheheh hindi kse kme nagswimming ng family ko sa friends ko naman mukang malabo panay plano lang hahhaha...nice ganda kilala ko ung iba dun ah kamiss sila :)

    ReplyDelete
  18. @goyo.. whahah ok lang yan... bawi ka na lang mahaba ang summer...
    anung bagong bahay... di no.. luma na eheheh




    @bell.. ok lang yan.. bawi ka na lang next time :D

    ReplyDelete
  19. gusto ko rin magswimming hays... pano kaya???

    ReplyDelete
  20. hang ganda ng resort.. di pa ko nkkpunta diyan khit dame ngyaya sa akin T_T

    ReplyDelete
  21. hanepppp !

    and the price is reasonable :)
    bili ka nalang padlock hehehehhe :P

    anyway, nice review man!

    ReplyDelete
  22. mukhang lagi kang nasa mga resorts at beaches ngayon ah.

    ReplyDelete
  23. @jed... anu ka ba daming avail na resort... punta na...


    @PP. punde na habang summer pa...



    @Steph.. hehe thanks... whaha gagastos pa ko para sa kanila. di na :D


    @mpoy... whahah di naman.. chill lang :D

    ReplyDelete
  24. buti naman at pwede magtshirt or magshorts LOL!

    the resort looks ok lang

    ReplyDelete
  25. @lonewolf .. hehe ok lang naman talaga :D

    ReplyDelete
  26. saya naman pero wag kalimutan na maraming nakukuhang sakit sa swimming pool lalo na pag marami gumagamit at mahina ang daloy ng labas ng tubig....

    ReplyDelete
  27. @ka-swak tama.. kaya pagdating ko sa bahay naligo ulit ako heheh :D

    ReplyDelete
  28. mukhang maganda nga ung resort, pero ung mga attendant, receptionist, at ung office personnel, mababait?

    ReplyDelete
  29. @Anonymous .. ok naman yung mga personel, cool lang :D

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts