The New Year Eve Happening...

Actually dapat ito yung unang blog entry ko for the 2011 kaso naisip ko mas maganda na second entry ko na lang ito para kahit papaano eh maiedit ko pa dapat yung mga dapat iedit na article.



Pero bago ko pang simulan ang lahat ng ito nagpapasalamat muna ko kay roy para sa Unang Blog Award ko for 2011, maraming salamat sayo kablog sa unang award na to para sa 2011 napressure ako bigla
sa award na to feeling ko tuloy dapat mas maging maganda at interesting ang mga susunod na blog ko, at may humabol pa....Blogs I admired!
Naku... pressure na talaga... kailangan more informative.more relavant ang mga bawat entry na ilalagay ko lalo't pa ngayon dumadami na yung mga followers ko.Muli maraming salamat sa mga patuloy na sumusubaybay sa mga munting entry ko, asahan ninyo mas lalo ko pang pag-iigihin at magagandahin ang mga entry ko this 2011.

So paano sisimulan ko ang entry na to..

Mga bandang tanghali yun yung simulan ko ng maghanda ng mga pagkain at mga ingredents sa aking lulutuin para sa media noche.

Ilan sa mga dahan suman,ube,buco salad,roasted chicken, fried sweet ham at sotanghon

Ang unang aking hinahanda ang ang suman, mga ilang oras ko din ako ng pakahirap na ibalot at itimpla ang sauce na yun thanks god madali lang lutuin ang suman na un.
 
Sinunod ko ang ube isa sa mga pinakamahirap na gawin  sa lahat, una syempre pakukuluin ang mga ubeng nakuha sa likod bahay mga 2 oras din yun ha buti na lang de uling ung ginamit ko kahit naasthma na ko sa mga usok then pagmalambot na yun malalamigin  ng kaunti at tsaka babalatan ito mga 1 oras din akong nagbalat panu ba naman kasi angliit ng mga ubeng nakuha,then after that kinayod ko na sa isang yanira mga dalawang oras na kayod yun kakapagod din then sasalin sa malaking kaldero kung saan doon ko hahalutin ng hahaluin hanggang sa maging malapot na ng kaunti at lalagyan ng brown sugar at ng dalawang condens milk hanggang sa maging malapot na ang ube bale mga 2 hrs lang naman ako naghalo ng ube sumakit ang braso at kamay ko dun pero may good or positive side naman yun para na rin akong ng buhat ng barbel dahil nagkaroon ako ng kaunting muscle di na kailangan pumunta ng gym hehe. pagkatapos nun eh malamigin ng kaunti at isalin sa lalagyan tapos na.


After nun ang roosted chicken naman actually binabad ko na ung isang whole chicken kahapon sa isang fresh milk oo tama ang nabasa mo fresh milk, bakit ko kamo binabad sa isang fresh milk kasi yun ang turo ng aking IMA sa kapampangan o lola sa tagalog isa daw yun sa mga secret recipe ng pamilya Guinto di ko na sasabihin pa yung iba baka malaman ninyo gagawan ko na lang kayo pag may special occasion,then yun sinalang na yun sa kawali at mga 2 and half hrs isa yun...


Habang nakasalang ang roasted chicken eh sinimulan ko ng gawin ang sotanghon. Siguro naman alam ninyo kung paano gawin ang tong recipe na to di ba kaya di ko na sasabihin pa kung paano mga 1 hr din yun kasi isang malaking kaldero syempre bibigyan pa yung mga kaclose naming mga kapitbahay.

After that eh yung masarap na buco salad.....

Mga around 7 PM na ko natapos sa lahat-lahat nga paghahanda na to so nagpahinga muna ko at naglaro ako ng walang humpay na Plant Vs Zombie kasalanan to ni Louie eh kaya ayaw ko maglaro ng mga computer games dahil pagnasimulan ko na dapat tapusin ko ayaw ko kasing nabibitin ako sa mga ganung bagay eh,

Then after nagbasa ako ng isa sa mga ebooks ko ang Think and Grow Rich ni Napoleon Hill
 para naman maging maganda ang outcome sa 2011.

Mga bandang 10 pm na sinimulan ko ng ipamigay yung mga pagkain sa kapitbahay para sa media noche... grabe ang sarap din ng mga handa nila ha...

Yung iba dun eh fave ko pa yung chocolate cake at sushi..




After nun eh nagbasa ulit ako ng ebook ko para tapusin ang aking binabasa maya-maya na lang si biglang nagtext si Louie...

Axl , gising na ko labas ka na ng bahay picture-picture na tayo. hehehe...

So ako labas kaagad para lumabas so ayun walang humpay na picture taking...


Louie and Aira
Louie at Sara



Pagpatak ng 12 Midnight  nagsimula ng pagputukan ang mg dapat pumutok ng gabing yun, oo yun nga di yun ano ha ikaw ha green minded bawal dito ha hehehe...

Here the some clips:

 The Firework in the sky

The Fountain of Fire

Fountain with a mens

Fountain with twisted
Fountain with spike

 fireworks at the back



At ito naman yung mga happening after the nagfood tripping media buena na bale sa labas kami kumain at doon ienjoy ang mga pagkain inihanda ng bawat isa..

Here the some clips:

 Media Noche

JC and JM

kainan na!!

Louie enjoying the yummy chicken

The First Generation 

The Second Generation

The Third Generation

After Party happening Videoke time:



Ikaw paano mo pinaghandaan ang New Year Eve Happening sa taong 2011?

Care to share it...
 

XOXO

Comments

  1. at dahil diyan, ginutom mo ko amf ka! hehehehe joke!

    ReplyDelete
  2. dito sa SG illegal magpapautok!

    napaka dami mo naman palang nagawa before mag medja noche! haha :)

    miss ko na ung halayang ube!

    ReplyDelete
  3. Waaahhh ang happy happy naman ng new year mo with family.. at grabe galing mo naman mag luto.. BOW!!! ako sayo...

    dito kase wala ka-emote emote yung new year namin.. parang nilipad na dahon lang...

    ang saya saya.. gusto ko din... x( walang leche flan?? o meron di ko lang nakita... yun lang inaabangan ko lage.. ahahha

    ReplyDelete
  4. @chan.. talaga bawal sabagay.. kasi environmental country ang SG ngaun.. (tama ba)..
    oo madami talaga... ako kusinero ng bahay eh :D

    ReplyDelete
  5. @kams.. whahaa ganun.. sayang naman.. dapat pala pumunta ka na lang sa amin hehehe :D

    ReplyDelete
  6. @ronster... yung christmas yung tsong anu ka ba... :D

    ReplyDelete
  7. waahhh nagutom ako bigla kahit katatapos lang ng lunch...naguluhan lang ako dito "Fountain with a mens" o ako lang talaga magulo lolzz

    happy new year pre...

    ReplyDelete
  8. Salamat din s appreciation. happy blogging...

    na-mizz kita pasyal ka naman hehehe

    ReplyDelete
  9. @CM.. tara kain tayo hehe.. hehe oo mens talaga..... kasi yung nagsindi nian babae.. whahahah :D

    ReplyDelete
  10. @merz. heheh syempre,, napagod nga ko sa kakaluto eh hehehe :D

    ReplyDelete
  11. ikaw na. hahahaha. joke. congrats ^_^

    ReplyDelete
  12. @marz... whahaha oo ako na,, sige na ako hehehe :D
    salamats :D

    ReplyDelete
  13. Nice post AXL! Ngutom ako bigla. Dami ng Award ah,. aus yan tol... dami ring comments.

    ReplyDelete
  14. @kira.. whahah di naman tama lang.. salamats :D

    ReplyDelete
  15. talagang todo effort sa pagluluto.Ikaw na ang magaling magluto.well ako dahil may mga kanya kanyang lakad ang kasama ko sa room pumunta na lang ako ng city at kumain doon ng magisa. at ang take out na lang ako ng KFC party package kung sakaling may maligaw sa room. lahat ng filipino sa camp at 12 midnight lahat bagsak sa maghapong inuman ako lang ang gising. Sanay na ako sa ganitong scenario.sa pinas lang talaga masaya ang new year.

    ReplyDelete
  16. @dr.... ganun ang lungkot naman yun ..... balik ka na ng Pinas hhehehe uu ganun talaga ako tiga luto eh :D

    ReplyDelete
  17. whoa, kain kain kain!!!! AWesome!

    ReplyDelete
  18. nakakagutom naman yan axl. weee i like ubi!wahahahaha

    ReplyDelete
  19. Wow!! major major!! super happy naman.. :D sarap ng food..hehe

    ReplyDelete
  20. nakakagutom naman yan buds!!!!!! hmpf! hahahaha

    astig! congrats sa award!

    ReplyDelete
  21. puro foods na naman nakita ko..w ahehehe saya ng new year mo chong...

    ReplyDelete
  22. ang kukulets ng pics... astig!

    ReplyDelete
  23. my new year, di ako nagpaputok eh, and di rin ako nagluto.... i just stayed inside the house nung putukan, lumabas lang ako nung tapos...pero ang fun part

    hindi kame nagpaputok, pero, nagbasaan kame ng tuibg sa kalye, gamit ang water baloons, water guns, timba, tabo, ehehehe

    ReplyDelete
  24. @tim.. nagbalik ka hehehe.... tara kain heheh...

    ReplyDelete
  25. @kyle... tara punta ka sa bahay meron pa hehehe...

    ReplyDelete
  26. @nimmy.... hehehe oo nga buds eh... gusto mo? salamats :D

    ReplyDelete
  27. @kiko... naman.. masaya talaga.. hehehe...

    ReplyDelete
  28. @Tra... whahha astig naman yun.. mas masaya yun heheh :D

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts