Summer Song Chapter IV

Summer Song Series


Sa haba ng trapik eh nainip at nakatulog si Jairus sa biyahe. Nagising na lang sya ng tinapik sya ng lalaki at
sabay sabing, “andito na tayo Sir”. Tumingin muna si Jairus sa paligid bago sya lumabas ng sasakyan. Pag labas
nya ng pinto napansin nyang pamilyar sa kanya ng parking lot ng building na kung nasan sya.

Itinuro sa kanya ng mga lalaki kung saan dapat pumunta. Pag pasok sa building, dumerecho sila sa elevator
at pumasok sa isang opisina. Pinapasok sya sa isang silid na may isang mesa at dalawang upuan at saka sya
pinaghintay.

Matapos ang tatlong minuto ay may pumasok na lalaki na nasa edad kwarenta pataas. Kalmadong itong lumapit
at nagpakilala kay Jairus na sya si agent Jay.

Agent Jay: How are you Mr. Jairus?

Jairus: I’m fine…

Agent Jay: Do you want some smokes? (sabay alok ng sigarilyo)

Jairus: Yuck…

Agent Jay: Pasensya na nga pala sa abala sayo, but don’t worry…saglit lang naman to.

Jairus: okay lang, no problem. By the way Agent Jay, are you from NBI?

Agent Jay: No, I am from Interpol…

Jairus: Hanep…international ah. Ano bang problem natin Agent Jay?

Agent Jay: Well, first of all gusto ko lang malaman kung gaano mo na katagal kakilala sa Crissa?

Jairus: Naku! Sabi na nga ba may tinatagong karumaldumal yang si Crissa eh! Nung una pa lang na ayaw nya
malaman ko ang name nya…nag duda na ko. Naku. But Sir, I don’t have anything to do with whatever she’s in
ha! Kanina ko lang nakilala yun, nilibre ko sya kasi nabangga ko sya at nagsosorry ako…tas while asking apology
syempre I offered her something na rin. Pero Agent Jay, wala akong kinalaman dyan kung ano man yan. Talaga,
promise! Bukod sa name nya, school at course nya…wala na akong alam dyan! I want to talk to my lawyer! I
have nothing to do with this!!

Agent Jay: Teka…I only asked you about Crissa kasi she’s my neice and matagal na kami di nakakapag usap.

Jairus: Aaaaahh…ehehehehehe…pengeng yosi…

Agent Jay: It just so happened na nakita ka lang ng mga driver and butler ng aking sister, who’s the Mom of
Crissa, na kasama mo sya. Sila yung sumundo sayo, and I was the one who ordered them.

Jairus: Sus! Kala ko naman kasi kung ano eh…wow, she has a butler? Is she from a wealthy family? Saka ba’t
mo ba ko pinatawag?

Agent Jay: Ang Dad ni Crissy ang mayaman, although hiwalay sila ng sister ko, they’re both in good terms.
Pinatawag kita dahil sa isang important na favor ang gusto kong ipagawa sayo.

Jairus: What is it?

Agent Jay: It’s a mission for you. I want you to talk to your Dad sana for a business deal. Balak ko sana mag
distribute ng red wines from Rue de Pera in France. Baka naman pwede mo i-set meeting namin?

Jairus: Walastik ka naman eh! Ginamit mo pa yang Interpol-interpol at may pamission-mission ka pang nalalaman
eh. O sige, I will inform Dad about it. Putik, sinayang mo naman oras ko eh.

Agent Jay: I’m sorry if na-hassle kita. Anyways, nanliligaw ka ba sa kay Crissa?

Jairus: Hindi ah!!

Agent Jay: Are you gay?

Jairus: Wow man…heavy mo naman. Hindi ako nanliligaw but it doesn’t mean I’m gay!

Napaisip ulit si Jairus sa plano nya na maging close kay Crissa…

Jairus: Pero gusto ko syang makilala pa ng lubusan. If you could set us up for a meeting, I’ll assure you that you
will meet my Dad for a business meeting…deal?

Agent Jay: Deal. Question Jairus…

Jairus: Shoot…

Agent Jay: Nagagandahan ka ba sa pamangkin ko?

Jairus: Uhmmm…hindi…

Agent Jay: (Umasim ang expression ng mukha at sabay biglang hinampas ang mesa)Huh?!? At bakit hindi??

Jairus: Ahehe…maganda pala sya sorry. pengeng yosi…

Matapos ang maiksing pag uusap nila ay pinahatid na ni Agent Jay si Jairus sa kanyang dapat puntahan.
Habang nasa kalsada, naisip nya ang kanyang plano about Crissa and Carla, where will his plan leading to…may
mangyayari kaya? Bigla nyang nakita sa billboard sa gilid ng building sa kanyang kaliwa, “Do not follow where
the path may lead. Go instead where there is no path and leave a trail”, at kanyang naisip, ayus ah…biglang may
ganun, pero sa bagay tama naman yung quote na un…lahat gagawin ko para kay Carla, I will go and make a
path...but I will leave no trail…baka sundan ako eh hehe.

Pagdating nya sa meeting place ng Erito Boys, ibinaba sya at derechong umalis ang mga lalaki. Habang
papalayo ang BMW, kinunan nya to ng picture. Dumukot sya sa kanyang bulsa at nag check sa kanyang
Blackberry at tuluyang umakyat papunta sa likod ng bahay. Napatigil sya sa kakaibang naramdaman
nya…napansin nya na tahimik ang lugar. Naisip nya, nakita ko naman lahat ng mga kotse nila sa may garahe,
pero ba’t parang walang tao ata. Pag may meeting kami, kung di maingay ang grupo, laging may sounds na
malakas…pero ba’t tahimik ata, naisip nya. Pag dating nya sa balcony sa likod, nabigla at napasigaw sya sa
kanyang nakita…

Ano kaya ang nakita nya sa may balcony?


Samantala.......


Sa School

Habang naglalakad si Crissa sa hallway biglang may tumawag sa kanyang pangalan..

Crissa.. Crissa..... (boses ng isang babae)

Sabay lingon si Crissa sa tumatawag sa kanya..

Crissa: Oh ikaw pala yan Janine, bakit pagod na pagod ka?

Janine: ang hirap mo naman habulin...

Crissa: sorry naman, bakit mo nga ako hinahabol?

Janine: …saan nga pala ang punta mo ngaun?

Crissa: punta ko sa music hall, Ikaw ba? Saan ang punta mo?

Janine: ah i see, ako punta sana ako sa may library para isauli tong libro na hiniram ko eh!

Crissa: Teka anung libro yan hawak mo?

Janine: ah eto... Business Ethics and Matters.

Crissa: oh yan yung hinahanap ko nung isang araw pa. ikaw pala ang nakahiram ng libro na yan..

Janine: oo…Bakit, kailan mo ba?

Crissa: oo sana eh, pude ko bang hiramin saglit sayo yan? Don’t worry ako na ang magbabalik ng libro
library.

Janine: yun lang pala eh, sure. samahan na rin kaya kita sa Music Hall.

Crissa: nakakahiya naman sayo.

Janine: anu ka ba, ba’t ka mahihiya?

Crissa: oo nga no.. sige na nga…

Janine: So paano tara na?!

Crissa: tara!

Habang naglalakad sila papunta sa Music Hall hindi nila inaasahan na makakabangga nila ang isa sa mga
myembro ng Erito boys...

Randolf: what the hell!!! ang luwag luwag ng hallway oh, di ba kayo marunong tumingin sa dinaan niyo
ha?! (galit na tono)

(habang iniinda niya ng sakit sa kanya kamay dahil sa paglalaro ng basketball)

Crissa: oh excuse me, but as far as I know eh ikaw ang bumangga sakin no…

Janine: (pabulong) crissa tumigil ka na nga... (sabay harap sa lalaki) ah eh.. sorry sir di po namin
sinasadya ung nangyari...

Crissa: janine!!! tumigil ka nga dyan, bakit ka nagsososorry sa maangas na lalaki na yan ha? isa pa hindi
naman sa kanya tong hallway na to no..

Randolf: aba, di rin pala makapal ang mukha mo... ang pagkakaalam ko ang hallway na to at ang
kinatatayuan mo ngaun eh ang pag-aari ng pamilyang Ty!

Crissa: So? paki ko kung ang pamilya Ty ang may ari ng buong school na to ha, tsaka sinu ka ba ha?! Kung
magsalita ka parang member ka sa angkan Ty ha?!

Randolf: ahmp di mo nga ako kilala (sabi niya sa kanya isipan)... ah kaya naman pala eh..

Crissa: anung kaya naman pala pinagsasabi mo dian ha..

Janine: Sis tara na... nakakaiskandalo na tayo oh.. tumitingin na ang mga tao sa paligid natin oh..

Crissa: oh siya tara na nga.. iwan na natin tong hambog na lalaking to.. hmmp (sabay irap sa lalaki)

Janine: ah sir ako na po ang humihingi ng sorry sa inasal ng kaibigan ko.. Sorry po ulit..

Randolf: paki sabi dyan sa kaibigan mo ha, ayusin niya ung ugali niya…kala niya napakaganda niya kung

umasta sya.

Janine.. opo sir, sorry po ulit...

Crissa: Janine! bakit kausap mo pa rin yang lalaki na yan? tara na.... anu ba?!...

Janine: oo andyan na ko. sorry ulit sir..

Randolf: mmpph.. may araw ka din sa akin babae ka, ihanda mo ang sarili mo, tingnan lang natin kung
sinu ang mayayari sa bandang huli..... (sa isip-isip niya)

habang naglalakad sila nagtitingin ang mga studente sa kanila...

Crissa: bakit nagtitingin ang mga yan?(habang pinagmamasdan ang mga tao sa paligid) para namang
napakalaki ng kasalanan na ginawa natin sa kanila ha?!

Janine: wag mo na lang pansinin yung mga yan…tara na sa Music Hall…

habang naglalakad sila, napadaan sila sa student study area.. biglang may pamilyar na boses na
tumawag sa kanila...

Arnee: Crissa…Janine...

Sabay si Crissa at Janine lumingon kung sino ung tumatawag sa kanila

Crissa & Janine: oh Arnee!!

(sabay takbo sa student area kung asan si Arnee)

Janine: oh kailan ka pa bumalik galing Paris?

Arnee: last week lang...nagpahinga lang ako kaya di ko kayo kagad nakontak

Crissa: ang bilis naman…teka, wala ba kaming pasalubong diyan??

Janine: oo nga.. ako oki na sa akin yung LV na bag at isang pabango...hehehe

Crissa: ako ung Gucci oki na sa akin kahit wala na yung perfume na gustong-gusto ko.. heheheh

Arnee: whahhaha mga sira talaga kayo. ofcourse meron akong pasalubong no. eto nga oh dala ko na nga
eh. Actually kanina ko pa kayo hinahanap para ibigay tong mga pasalubong ko sa inyo eh. (sabay bigay
ng pasalubong)

Crissa: yun oh...thanks!

Janine: buti na lang di mo kami nakalimutan..thanks!

Arnee: oh bakit ko naman kayo makakalimutan no. besides para saan pa at naging CFG tayo? hehehe...

Janine & Crissa: oh we know that right whahahahah

Arnee: anyway maiba nga ako ng usapan, parang napansin ko kanina biglang nagtingin sa inyo ung mga
istudente dito ha? Anu ba ung nangyari?

Janine: ay naku si Crissa ang tanungin mo sa bagay na yan.. siya yung may sala kung bakit kami
pinagtitinginan ng mga taong yan kanina.

Arnee: oh anu nga?

Crissa: actualy ganito un habang naglalakad kami bigla na lang may bumanga sa akin..

Janine: anung nakabangga sayo?! ikaw ang nakabangga sa kanya hindi sya no..

Crissa: ok fine ako na! aaminin ko ako na?!

Arnee: oh ikaw naman pala yung nakabangga eh?! eh bakit parang ikaw pa ung galit ha?

Crissa: eh paano ba naman kasi ang angas niya kala niya kung sinu siya makareact ng ganun.. hmp

Arnee: Teka-teka sino nga ba yung nakabangga mo kanina?

Crissa: Actually di ko siya kilala?! (sabay kamot sa ulo)

Arnee: binasang isda ni san bartolome oh.. di mo naman pala kilala eh, dapat humingi ka ng paumanhin
no.

Janine: naku! Arnee ako na nga ung humihingi ng paumanhin eh, kakahiya nga eh, Pero in fairness ang
cute niya, ang gwapo!

Arnee: buti na lang humingi ka ng paumanhin janine, teka lang gwapo? hmmp kaya naman pala eh.

Crissa: anung kaya naman pala ha Arnee.

Arnee: baka naman type mo siya? di kaya?!

Crissa: eewww. anu ba? hindi ako magkakagusto sa isang maangas at mayabang na lalaki gaya nun no!

Arnee: oh bakit mukhang guilty ka?

Crissa: duh! do I look like I’m guilty excuse me, no!

Arnee: anyway Janine, anung itsura ng lalaki?

Janine: gwapo, matangkad siya i think he’s 6'2", if im not mistaken, at maganda yung mga mata
niya…parang matutunaw ka pagtinitigan ka niya. Kayumanggi, and I think he’s a varsity player kasi naka
jersey eh..

Arnee: hhmm mukhang gwapo nga talaga base na rin sa pagdesrcibe mo ha.. teka lang wait a min
kapeng mainit, nakita mo ba kung anung jersey number nya.

Janine: yeah, number 8!

Arnee: anu number 8?! (gulat na sabi ni Arnee)

Crissa: bakit?! makareact ka naman para naman kilala mo kung sinu yung lalaking tinutukoy ni Janine
ha?!

Arnee: binasang isda ni san bartolome naman oh.. hindi mo ba alam kung sinu ung nakabangga mo ha

Crissa ha?!

Crissa: hindi. i dont care who he is! Besides, di naman siya yung may ari ng School na to no. tska di
naman siya membro ng Erito right Arnee?

Arnee: patay tayo dian! di mo nga kilala yung nakabangga mo, goodluck na lang sa sayo at sa atin pag
nagkataon!

Crissa: anung ibig mong sabihin?

Janine: oo nga?!

Arnee: yung nakabangga niyo na may suot na Jersey ay isa sa mga member ng mga Erito na si Randolf!

Crissa: what the f! are you serious?

Arnee: mukha ba kung nagbibiro ha?

Crissa: seryoso…di nga?

Arnee: oo nga?! at isa rin ang pamilya nila sa mga may-ari ng mga building dito sa campus na to?!

Crissa: uhmmm….uhmmmm…hindi naman siguro siya kabilang sa Pamilyang Ty di ba?

Arnee: anung hindi?! kabilang siya sa pamilyang yun no! ang Pamilya Ty lang naman ang may-ari ng 25%
na paliparan dito sa atin,

meron din silang 45% na stocks dito sa School, 245 na branch ng coffee Shop, 6 malls at 4 na

Supermarket, 6 commercial banks at isang Realty House!

Crissa: naku patay…seryoso ka ba talaga sa sinasabi mo?

Arnee: oo nga…ang kulit…

Janine: halaaaa kaaaa…patay ka crissa!

Arnee: bakit anu ba yung sinabi mo sa kanya??

Crissa: ah eh...

Arnee: anung ah eh.. anu nga??

Crissa: sabi ko lang naman sa kanya wala akong paki kung ang pamilya Ty ang may-ari ng building na to
at kung magsalita sya kala niya sa kanya tong building na to…naku patay na talaga…

Arnee: binasang isda ni san bartolome…anu bay an?? kaya naman pala pinagtitingin kayo ng mga tao sa
hallway kanina eh..

Crissa: aba di ko naman kasalanan yun no. and besides, malay ko bang kabilang siya sa angkan na yun
ha..

Arnee: padalos-dalos ka kasi eh. di mo inisip kung anu ang sasabihin mo…hay naku

Janine: sige arnee sermunan mo pa yang babaeng yan para matuto naman siya minsan.

Crissa: gatungan ba si Arnee ha janine! (inis na sabi ni crissa)

Janine: hehe dapat lang sayo yan no… padalos-dalos ka kasi minsan eh... yan tuloy... eheheh :D

Arnee: kaya sa susunod mag-ingat ka naman sa sasabihin mo, masyado ka kasing maldita eh. mamaya
niyan ang susunod mo makabangga ay si.......

Crissa: sinu?

Janine: oo nga sinu?

Arnee: ang pinaka maimpluwensya sa kanilang grupo at ang leader nila...

Crissa: oo nga pala sinu ba yung leader nila? di ko pa sila nagkikitang kumpleto ha?

Janine: ako din di ko pa rin sila nakikitang magkasama ng buo..

Arnee: di mo talaga sila makikitang buo unless may malaking problemang hinaharap o may isa silang
pahihirapan na tao..

Crissa: ang sama naman nila makukumpleto lng sila dahil may pahihirapan silang tao..

Janine: oo nga grabe naman yun.

Crissa: oh sino nga ang leader nila Arnee?

Arnee: ang totoo niyan di ko pa rin nakikilala or nakikita, narinig ko lang dahil nga mailap magpakita
yung leader nila, pero ang alam ko lagi siyang nasa tambayan nila sa may Game room.

Crissa: wait teka! Game room?

Arnee: oo game room, bakit?

Crissa: parang nakapunta na ko sa Game room ah

Arnee: imposimble makapunta ka sa Kwarto na yun dahil ang Erito Boys lang ang pude pumasok sa
kwarto na yun.

Crissa: seryoso ko nakapunta na ko sa Game Room na tinutukoy mo.

Arnee: Sige nga kung nakapunta ka na sa Kwarto na yun saan building siya?!

Crissa: Sa may Ayikamaro Building sa 4th Flr, katabi yun ang TechLab ni Hei Kaniyama.

Arnee: ha?! Imposimble, walang nakakapasok sa 4th flr dahil ung ang Hallway Zone ng mga Erito.

Crissa: talaga? kaya pala ang ganda ng lugar na yun para kang nasa ibang bansa.

Janine. teka nga, at paano ka naman nakapunta sa kwarto na yun ha? aber?! magpaliwanag ka nga sa
amin…naglalalandi ka dun no!

Arnee: oo nga? bakit ngaun mo lang sinabi yang bagay na yan sa amin ha?

Crissa: ha? Landi ka dyan! hindi niyo naman kasi tinatanung eh?

Samantala...

Habang naglalakad si Randolf papunta sa may Ayikamaro Building nakita niya si ........

Itutuloy.....

Paano nga ba nakapunta sa GameRoom ng mga Erito Boys si Crissa?
Anung Connection niya sa Leader ng Erito?
Anung mangyayari sa kanya ngayun alam na niya na isa sa mga nakabangga niya sa hallway ay isa sa mga
membero ng Erito boys?
Sino ang nakita ni Randolf sa Ayikamaro Building?

Abangan!

Comments

  1. @rons.... abangan mo na lang masakit sa bangs eh. hehehe :D

    ReplyDelete
  2. wow another blogeserye na kaabang abang :)

    ReplyDelete
  3. @rons... uu muntik ka na heheh...
    @hard2getxxx ... hehehe parang ganun na nga :D

    ReplyDelete
  4. daming aabangan...

    daming itutuloy...


    :)

    ReplyDelete
  5. @empi.. ganun talaga men.. may eksena bawat tauhan heheh :D

    ReplyDelete
  6. ang sipag mo nmn gumawa ng serye hehehe...baka may producer na makabasa nito at bilhin upang isa pelikula o kaya sa telebisyon hehehe...nice! nice!

    ReplyDelete
  7. kaya sinusubaybayan ang blog mo eh may pakulo kang series... daig pa ang mga TV series nyahahaah :D

    ReplyDelete
  8. wow chapter four na ang summer song.at ang dami na ng character.

    ReplyDelete
  9. weeee..... parang IF4 ang... waehehehe.... sige na nga ang taas kasi eh...

    ReplyDelete
  10. @jag.. hehe i hope so.. thanks :D

    @zeb... heheheh sabi nga ni mr.fu mayganun!! hehe thanks :D

    @DR... hehehe yeap C4 na siya :D

    @kiko.. heheh ganun nga parang may hawig hehe :D

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts