Sa Aking Mga Mata

Minsan kailangan kong ipikit ang aking mga mata upang hindi mo makita at maramdaman
ang lungkot na bumabalot sa aking pagkatao.
Ipinipikit ko na lang ang aking mga mata habang ang mga bwitre ay nag-aagawan
sa nabubulok kong kalamnan.
Gusto kong lumakad ng mabilis,mabilis na mabilis.
Iligtas sa kalungkutang pilit mang itago ay patuloy na sumisilay sa aking mga mata.
Upang ni isang kaluluwa ay di mapansin o marandaman ang aking hinagpis.
At upang iligtas ang aking sarili sa dilim na humahabol at pilit na bumabalot sa nabubulok kong pagkatao.
Maraming bagay ang hindi ko maunawaan.
Pilit na inaabot ang isipan.

Madalas ako ay nagtatanong at mas madalas, mailap ang kasagutan.
Kailan ako mamatay? 
Parang isang patay na buhay ang aking katawa.
Ang aking kaluluwa ay parang basurang umaalingasaw.
Naisip ko mang kamawala ay wala akong magawa.
Parang tanikalang nakakabit sa aking mga paa.
Bawat paggalaw ay pinipigilan.
Bawat paggalaw kumakaskas sa aking kalamlam ang hapdi.
Bawat paggalaw ay parang musika ng ponebre ang tunog ng nag-uumpugang bakal 
ng aking tanikala.
Napapagod na din ako.
Hindi ako makaahon sa kalungkutang aking kanasadlakan.
Parang isang kumunoy na patuloy na humihigop sa akin pailalim.
Hilahin mo aking mga kamay.
Bigyan mo ako kahit kainting hibla ng pag-asa.
Ngunit isang paalala,
Huwag kang titingin sa aking mga mata.

sinulat ko to ung 2nd year highschool ako with collaboration with some of my friends.. sobra down ko kasi ung mga time na yun . dami dapat ayusin....
buti na lang may copy pa ko ng hard nito...... kakamiss gumawa ng mga poem...
sana nagustuhan niyo :D

Comments

  1. @ronster: hehe. di naman :D namiss ko lang ung mga poem ko sa baul LOLS :D

    ReplyDelete
  2. Nice! Yeah, we can really see emotions through the eyes. Well, you have plenty of time to understand the things around you..You need to force your mind though,.



    Yanz ;)

    ReplyDelete
  3. @yanz: i miss you yan-yan.... thanks for that comments.. :D

    ReplyDelete
  4. tinamaan ako bro... :'(

    ReplyDelete
  5. @arvin.. kakalungkot lang talaga yung mga time na yan :D

    ReplyDelete
  6. Tama ka naipapahayag ang tunay na nararamdaman sa ating mga mata...sooooo emo naman nito hehehe...

    ReplyDelete
  7. @jag.. oo kahit itago mo ang iyong emosyon.pagnakita naman sa iyong mata... wala na :D

    ReplyDelete
  8. tama. ang mga mata ang syang tunay na nakapagpapahayag ng ating saloobin.

    OT: pano yung katulad kong may sore eyes? :)

    ReplyDelete
  9. @Md.. hehee thanks sir...
    about sa sore eye mo.. di ko alam kung paano heeh :D

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts