POV : My Future You
Sabi nga nila, may mga bagay talaga na hindi naman dapat pang ipilit o baguhin pa dahil kung anuman ang itinakda ng tadhana, mangyayari at mangyayari talaga, kaya mas mainam na sumunod ka na lamang sa agos. Ilan lang yan sa mga naging reaksyon ko pagkatapos ko mapanood ang isa sa mga entries sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2024, ang 'The Future You' na pinagbibidahan ng isa sa mga hottest loveteam ng henerasyon ngayon na sina Francine Diaz at Seth Fedelin, sa direksyon at manulat ni Direk Crisanto Aquino. Sa totoo lang, ang ganda pagmasdan sa screen nila Francine Diaz at Seth Fedelin na para kang bumalik sa highschool days dahil sa kilig, tampo at lambigan nila, samahan mo pa ng kwento na talaga namang para kang bumalik sa taong 1990s-2000s kung saan uso noon ang pakikipag-usap online sa mga di mo kakilala pero parang ang close-close na ninyo sa isa't-isa gamit ang Yahoo messenger at MIRC. Kaya hindi na ako nagtataka pa kung bakit sila ang napili sa pelikulang ito dah...